Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
explode grenade

2 sundalo sugatan sa pagsabog ng IED sa Bukidnon

CAGAYAN DE ORO CITY – Sugatan ang dalawang sundalo ng 41st Division Reconnnaissance Company sa ilalim ng 8th Infantry Battalion ng Philippine Army sa Bukidnon, nang masabugan ng improvised explosive device (IED) na itinanim ng rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Brgy. Halapitan, San Fernando kamakalawa.

Sinabi ni 8th IB commanding officer, Lt. Col Lennon Babilonia, unang nakasagupa ng kanilang puwersa ang nasa 20 kasapi nang tinaguriang guerilla front 6 ng North Central Mindanao Regional Committee.

Napaatras ang mga rebelde bitbit ang kanilang sugatang kasamahan kaya tinugis sila ng mga sundalo.

Ngunit naapakan ng mga sundalo ang itinanim na IED ng mga rebelde kaya dalawa sa kanila ang sugatan.

Bukod dito, pinaulanan din ng mga rebelde ng mga bala ang sinasakyang ambulansiya ng mga sugatang sundalo habang inililipat sa Camp Evangelista Station Hospital sa Cagayan de Oro City.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …