Friday , November 22 2024

Joy Roxas jackpot sa PCSO

WHEN it rains, it pours.

Mukhang ‘yan daw ang kapalaran ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) general manager Jose Ferdinand “Joy” Roxas II.

Sa panahon ng administrasyon ni Noynoy, naitalagang general manager ng PCSO si Joy Roxas. At kahit napakakontrobersiyal ng pagpapatalsik kay Margie Juico bilang Chairman, nanatili pa rin siyang GM.

Maraming nag-akala noon na pag-upo ni Erineo “Ayong” Maliksi ‘e mapapalitan si Roxas bilang GM.

Pero maling akala dahil nasira ang tikas ng Caviteño na si Ayong sa kanya.

Ngayon, hindi lang bulong kundi madalas daw ikuwento ni Roxas na mananatili siya sa puwesto dahil mayroon siyang konek sa Duterte administration.

Wow, ang bigat talaga ni GM Roxas!

Kung totoo ‘yan, dapat rin naman talagang manatili muna si Roxas sa PCSO kasi marami pa umano siyang dapat ipaliwanag.

Yes!

Kung bakit milyon-milyon ang pinakakawalang pondo sa ads para sa mga ‘paborito’ nilang estasyon ng telebisyon, radio at diyaryo.

Better to stay nga GM Roxas for explanation.

By the way, regular na kolumnista si Rojas sa isang pahayagan at malimit niyang ipinamamalita sa kanyang kolum ang mga nagawa ng PCSO at ni Aquino.

Pero kahit minsan ‘e hindi yata nabanggit ni Roxas na matagal na siyang pinag-uusapan dahil sa sinasabing pakinabang niya sa buwanang million-peso payola mula sa mga  Small Town Lottery (STL) operators sa Zambales, Negros Occidental, at halos lahat ng probinsiya sa Region III.

Ang sabi-sabi, si Rojas din umano ang nagkaloob sa jueteng lords ng STL franchises upang maging legal ang kanilang mga operasyon.

At kung hindi tayo nagkakamali, madalas din siyang makatanggap nang libreng bakasyon sa iba’t ibang lugar mula sa kanyang mga padrino na karamihan ay operators and suppliers.

Sa kabila nang mahigit P1 bilyon na lugi ng Keno Lotto Express, walang ginawa si Rojas upang maikansela ang kontrata sa pagitan ng Keno at PCSO. Hindi rin gumawa ng paraan si Rojas upang maaksiyonan ang problema, kahit patuloy ang pagkalugi ng PCSO sa operasyon ng Keno.

Papasa kaya kay Presidente Digong ang ganitong style-lokbu?

‘Yan ang aabangan natin.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *