Monday , December 23 2024

Depensa militar palalakasin (Suweldo may umento)

072716_FRONT
MAKATATANGGAP nang umento sa sahod ang mga sundalo simula sa susunod na buwan at palalakasin pa ang kanilang depensa bilang paghahanda sa ano mang magiging kaganapan sa bansa.

“Starting next month may increase na ang suweldo ng mga sundalo,” pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga sundalo sa Fort Magsaysay, Laur, Nueva Ecija.

Pabirong sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte, maraming problemang kinakaharap ang bansa kaya dapat ay maging handa sila na magpunta sa Panatag Shoal o Scarborough Shoal sakaling matuloy ang bakbakan.

“Marami tayong problema, Mindanao is rocked with trouble kung walang kalaban dito punta kayo sa Mindanao, may sinabi ako na di maganda sabihin sa publiko pero we will be ready we will be ready for an instant failure, nagkatuluyan ang bakbakan walang magawa pag nag-surrender sila Basilan o Jolo hanap tayo away gusto niyo bigyan kayo fast boat standby sa Panatag bukas tawag na naman they are listening to us,” aniya.

Hindi naman aniya siya naghahanap ng away pero kailangan na magkaroon ang bansa ng isang malakas at matatag na hukbong sandatahan na puwedeng magbigay proteksiyon sa mga mamamayan at integridad ng Republika.

“Hindi tayo naghahanap ng away at least hindi galing sa atin, but we should be prepared for  any eventuality just like any country in the world. We have to have strong armed forces we should have military who can protect people and integrity of this republic kayo yan, trabaho nyo. In return you’ll have eveyrthing you need para hindi dehado sa bakbakan,” giit ni Duterte.

Nakatakdang magdagdag ng 20,000 sundalo si Duterte upang lumaki ang puwersa ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

“I will give you everything you need to carry out your mandate.I cannot make you happy, but I assure you that I can make your life comfortable habang ako ang Pangulo,” dagdag ni Duterte.

ni ROSE NOVENARIO

MILF, MNLF HINAMON NI DIGONG KONTRA ASG

HINAMON ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Moro National Liberation Front (MNLF) na putulin ang koneksyon sa teroristang Abu Sayyaf Group (ASG).

Sa kanyang talumpati sa Fort Magsaysay sa Nueva Ecija,  direktang tinukoy ni Duterte ang ugnayan ng MILF at MNLF sa mga bandidong Abu Sayyaf.

“I want to hear from MI(LF) and MN(LF) that they don’t have anymore connection with the Abu Sayyaf,” aniya.

Ang mga armas aniya ng mga bandido ay mula sa MILF at MNLF.

“If the MILF and the MNLF would not cut their connection with the Abu Sayyaf, I don’t think there will be significant result (in the talks),” sabi ni Duterte.

Ito ang unang pagkakataon na inamin ng isang Pangulo ang ugnayan ng ASG sa MILF at MNLF.

Ang MILF ay breakaway group ng MNLF na lumagda sa final peace agreement sa gobyerno noong 1996.

Tiniyak ng Pangulo na isusulong niyang mabigyan ng ‘safe conduct pass’ si MNLF founding chairman Nur Misuari, at CPP founding chairman Jose Ma. Sison upang makalahok sa peace talks bago matapos ang taon.

Nais niyang sabay-sabay na isagawa ang peace talks sa MILF, MNLF at Communist Party of the Philippines-New People’s Army at National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

Sinabi ni Duterte, ang kanyang misyon bilang Pangulo ay maghasik ng kapayapaan kaya nagpasya ang kanyang administrasyon na magdeklara ng unilateral ceasefire sa CPP-NPA-NDF.

“There is always time to talk about war and talk about peace,”  sabi ng Pangulo.

( ROSE NOVENARIO )

Pagkatapos kay US Sec of State John Kerry
NAT’L SECURITY PUPULUNGIN NI DUTERTE

IPINATAWAG ni Pangulong Rodrigo Duterte ang National Security Council ngayon upang talakayin ang mahahalagang patakaran at estratehiya ng kanyang administrasyon na may kinalaman sa pambansang seguridad.

Pag-uusapan sa unang NSC meeting ang mahahalagang isyu gaya ng pagsusulong ng kapayapaan sa iba’t ibang rebeldeng grupo at ang desisyon ng Permanent Court of Arbitration (PCA) sa West Philippine Sea (WPS).

Ang NSC ay isang collegial body na pinamumunuan ng Pangulo at binubuo ng 35-leaders members mula sa sangay ng ehekutibo at lehislatura, kasama ang mga dating Presidente ng Filipinas na sina Fidel V. Ramos, Joseph Estrada, Gloria Macapagal-Arroyo, at Benigno Aquino III, Vice President Leni Robredo, Senate President Koko Pimentel, House Speaker Pantaleon Alvarez, ang majority at minority leaders ng Senado at Mababang Kapulungan, ang chairman sa mga komite sa Senado at Mababang Kapulungan na may kinalaman sa national security at iba pang miyembro ng gabinete.

Ilalahad sa pulong ang “Road Map for Peace and Development” na binalangkas ni Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza at inaprubahan ng Pangulo, at update sa kampanya kontra-illegal drugs ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Maliban kay Erap, walang pahayag ang Palasyo kung sino sa mga dating Pangulo ang nagkompirmang dadalo sa NSC meeting na gaganapin ilang oras makaraan ang courtesy call ni US Secretary of State John Kerry kay Duterte.

( ROSE NOVENARIO )

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *