PINIRMAHAN na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order (EO) on Freedom of Information (FOI) nitong Sabado ng gabi, pagkompirma ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar kahapon.
“It just so happened that the EO was finalized on Saturday night,” pahayag ni Andanar.
Nilinaw ni Andanar, walang kaugnayan sa SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw ang pagpirma sa Executive Order on Freedom Of Information (FOI).
Nilagdaan ni Pangulong Duterte ang executive order, dalawang araw bago ang kauna-unahang ulat niya sa bayan.
“ The timing was not planned,” paliwanag ni Andanar.
Pahayag ng kalihim, naniniwala ang pangulo sa nasabing ‘independence’.
Ayon sa kalihim, ang Congress ay isang independent branch of govenment na magdedesisyon sakaling hilingin ng pangulo sa Kongreso na ipasa at gawing ganap na batas ang nasabing executive order.
“ If there are questions on the legality of the info requested, it shall be forwarded to the SolGen or the DoJ for interpretation,” wika ni Andanar.
Binigyang-diin ng kalihim, ang sino mang idibidwal na hindi binigyan ng access sa impormasyon ay dapat sumulat sa authorized personnel at tiyaking pirmado ng head of agency.
“ Heads of gov’t agency could face administrative case if they violate EO on FOI, “ pahayag ng kalihim.
Sakop din ng EO ang GOCCs, state universities, Local government units.
Bunsod nito, malaya nang makukuha, malaman at mabusisi ng sino mang mamamayang Filipino ang lahat ng mga impormasyon sa mga transaksiyon at kalakaran sa pamahalaan.
Sakop ng FOI Executive Order ang lahat ng departamento, bureau, agencies at tanggapan sa ilalim ng Executive Branch.
Ngunit ‘exempted’ sa EO ang mga tanggapan o public records na confidential o hindi pampubliko, sang-ayon sa Saligang Batas.
ni ROSE NOVENARIO
PAGPIRMA NI DUTERTE SA FOI EO WELCOME SA NUJP
WELCOME sa National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) ang pagpirma ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Executive Order on Freedom of Information.
Ayon sa grupo, ang mabilis na pagtupad ni Duterte sa kanyang pangako sa panahon ng kanyang pangangampanya ay hindi lamang mahalaga sa media kundi sa lahat ng mga naniniwalang ang “transparency and accountability” ay kailangan sa mabuting pamamahala at demokrasya.
“Although the bill seems better than the version of the bill that the previous administration had endorsed in Congress, we hope that any exceptions to the EO’s coverage will not dilute its essence and intent.
At the same time, we urge Congress to enshrine Freedom of Information as part and parcel of governance in our country through legislation,” pahayag ng NUJP.
Samantala, nananawagan ang grupo sa pamahalaan na palawakin at palakasin ang “freedom of the press and of information” sa pamamagitan ng sumusunod:
Pagkilos para mawakasan na ang media killings at pagresolba sa nakaraang mga pagpatay, isalang sa paglilitis ang mga suspek at tapusin ang “culture of impunity” na anila’y palatandaan nang pagwawalang-bahala sa buhay at sa karapatang pantao sa bansa.
At pagpapawalang bisa sa lahat ng batas na humahadlang sa kalayaan sa pagpapahayag, katulad ng criminal libel law, at pagsasabatas ng mga panukalang magpapatibay rito.
Nanawagan din ang NUJP sa bawat Filipino na maging mapagbantay at protektahan ang kalayaan sa pamamahayag sa bansa.