Monday , December 23 2024

Speech ni Digong makabagbag damdamin (Sa kauna-unahang SONA)

ASAHAN na magiging makabagbag damdamin ang speech ni President Rodrigo Duterte ngayong sa kanyang kauna-unahang State of the Nation Address (SONA).

Sa press briefing sa The Royal Mandaya Hotel sa Davao City, sinabi ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar, ang SONA ni Pangulong Duterte ay tiyak na pupukaw sa pagiging makabayan ng bawat Filipino.

“The address of the President, will be a very powerful speech that will awaken the patriot in every Filipino,” saad ni Andanar.

Sa katunayan aniya ay napaluha siya noong una niyang nabasa ang magiging speech ni Pangulong Duterte sa SONA.

“Ganoon po siya ka-ganda. Ganoon po ka-makabagbag damdamin ‘yung speech ng pangulo natin,” dagdag ni Andanar.

Umabot din aniya sa 10 revisions ang speech ng pangulo na siya rin mismo ang nagsulat.

Asahan aniyang tatagal ang speech ng hanggang 38 minuto, ngunit kung isasama raw ang mga palakpakan at adlibs ng pangulo, posible raw tatagal pa ito.

“The speech would probably last, I suppose, I guess, intelligently was 38 minutes. If you would include applause and some adlibs by the President, it could take longger,” paliwanag ni Andanar.

( ROSE NOVENARIO )

NCRPO KASADO NA SA SONA

NAKAHANDA na ang pamunuan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) para bigyang seguridad ang kauna-unahang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw, Hulyo 25, 2016.

Ayon kay NCRPO Director, Chief Supt. Oscar Albayalde, nasa 7,000 pulis ang kanilang ide-deploy sa bisinidad ng Batasan.

Sinabi Albayalde, si Quezon City Police Director, Senior Supt. Guillermo Eleazar ang magiging overall commander ngayong araw.

Dakong 5:00 pm nitong Biyernes, isinailalim na sa full alert status ang buong hanay ng NCRPO.

Pahayag ni Albayalde, nagsagawa na rin sila ng ‘accounting’ para sa lahat ng kanilang mga personnel.

Aniya, may inihanda rin silang securiy measures sakaling ipatawag ni Pangulong Duterte ang mga lider ng mga militanteng grupo at papasukin mismo sa loob ng Batasan.

Sa kabilang dako, pinayuhan ng pamunuan ng Quezon City Police District (QCPD) at ng Quezon City – Department of Public Order and Safety (DPOS) ang mga motorista na dumaraan sa may bahagi ng Commonwealth Avenue, Montalban at San Mateo and vice versa na gamitin muna ang alternate routes para makaiwas sa posibleng ‘inconvinience’ ngayong araw.

Tinukoy ng DPOS ang Mindanao Avanue via Quirino Highway o ang Sauyo road bilang alternate routes para sa mga motorista patungong Fairview at ang Tumana-Balara Road para sa mga motorista patungong Marikina, Montalban at San Mateo.

MAGARBONG KASUOTAN IIWASAN NG CAMERA

IIWASAN ng mga kamerang gagamitin sa State of the Nation Adress (SONA) ang mga may magagarbong kasuotan.

Ito ang sinabi ng premyadong direktor na si Brillante Mendoza, bilang pahiwatig nang magiging paghawak nila sa unang ulat sa bayan ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw.

Ayon kay Mendoza, magiging salungat sa konsepto ng pagiging simple ng pangulo ang pag-focus sa magagarang kagayakan ng mga mambabatas at bisita.

Aabot aniya sa 15 ang naka-setup na camera sa Batasan Complex, karamihan nasa plenaryo na mismong pagdarausan ng SONA.

May mga robotic ding camera para wala nang taong padaan-daan habang nagpapatuloy ang okasyon.

Nabatid na maikli lang ang magiging takbo ng programa dahil wala nang gagamiting recorded video at kahit Powerpoint presentation.

Sa pagtaya ng direktor, tatagal lamang ang SONA ng 30 hanggang 40 minuto.

MISA ISASABAY SA SONA NI DUTERTE

MAY INIHANDANG misa ang Archdiocese of Manila ngayong araw para sa kauna-unahang State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay para ipanalangin ang mga naging biktima ng mga pagpatay magmula nang maupo sa puwesto si Pangulong Duterte.

Nakatakdang isagawa ang misa dakong 5:00 pm, ngayong Lunes.

May tema ang naturang misa na “Huwag kang papatay” at tinawag ito ng organizers bilang “Misa para sa mga Kaluluwa at Pamilya ng Pinaslang mula Hunyo 2016.”

Ayon sa grupong “Huwag Kang Papatay,” nakatakda itong isagawa sa St. Vincent de Paul Parish Church sa San Marcelino Street malapit sa Adamson University sa Ermita, Manila.

Kabilang sa mga inimbitahan ay mga pamilya ng mga naging biktima.

Nabatid na mayroon nang humigit kumulang 300 suspects ang napatay kaugnay sa pinaigting kampanya laban sa ilegal na droga.

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *