Monday , December 23 2024
shabu drug arrest

Army major isasalang sa court martial (Tiklo sa anti-drug ops)

INIIMBESTIGAHAN ng pamunan ng Philippine Army ang isa sa kanilang opisyal kaugnay sa pagkakasangkot sa illegal drug trade makaraan mahuli kasama ang kanyang asawa sa loob mismo ng kanilang bahay nang salakayin ng mga operatiba ng PNP at PDEA kamakalawa sa Cagayan de Oro City.

Kinilala ang naarestong opisyal na si Maj. Suharto Tambidan Macabuat, 40, at miyembro ng Philippine Army.

Nakuha sa bahay ng opisyal ang ilang short firearms at malaking halaga ng droga.

Ayon kay Phil. Army spokesperson Col. Benjamin Hao, sila mismo ang magsasagawa ng imbestigasyon at tiniyak na hindi nila kinukunsinte ang kanilang mga tauhan lalo na sa pagkakasangkot sa illegal drugs.

“ If there is an evidence that will show Macabuat is indeed linked with illegal drug operation, he will be referred to either the military court martial or the Army’s Efficiency and Separation Board (ESB),” pahayag ni Hao.

Nilinaw rin ni Hao, ito ay bukod pa sa kahaharaping criminal case ng suspek.

Batay sa record ng Philippine Army, si Macabuat ay kasal kay Haj. Johairah Bagumbung Macabuat, isang negosyante at may isang anak sila.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *