ITINUTURING na karapatan ni Filipino ring icon Manny Pacquiao na pagsabayin ang propesyon niya bilang boksingero at pagiging senador ng Filipinas.
Ayon kay Senate President Franklin Drilon, kagaya niya, nagagawa niyang pagsabayin ang dalawang magkaibang propesyon bilang abogado gayondin ang pagiging mambabatas.
Habang kinuwestiyon niya ang tila pagtutol nang karamihan tungkol sa posibleng pag-akyat muli ni Pacquiao sa itaas ng ring.
“A businessman can continue running his business while being a member of the legislature and an entertainer can continue his or her profession while being a member of Congress. Why should we impose a different standard to a professional boxer…?” saad ni Drilon.
Sinabi rin ni Drilon, suportado niya ang pagnanais ni Pacquiao na lumaban muli.
Ngunit sa kondisyon lamang na magiging totoo at masusunod ng neophyte senator ang pangako na hindi magiging balakid o makaapekto ang paglaban muli sa tungkulin niya bilang senador ng bansa.
Babala ni Drilon, sakaling mapabayaan ni Pacquiao ang trabaho bilang senador, siya ang unang-unang babatikos sa boksingero.