Thursday , December 19 2024

Paglutas ng traffic problem sa Metro Manila

SA pagpapatuloy ng matin-ding problema sa trapiko sa Kalakhang Maynila, dahilan ito para sa pagkawala ng P2.4 bilyong productivity kada araw, na maaaring lumaki pa sa P6 bilyon sa pagsapit ng taon 2030.

Ito ang babala ng Japan International Cooperation Agency (JICA) sa pagsusumite ng mga panukala sa adminis-trasyong Duterte ng pama-maraan sa decongestion ng Metro Manila at matugunan ang problema ng matinding trapiko sa lansangan.

Ayon sa kilalang urban planner at arkitektong si Felino Palafox Jr., nararapat lang na ikonsidera ni Pangulong Rodrigo Duterte at kanyang Gabinete ang mga panukala ng JICA kung nais maiwasan ang inaasahang productivity losses ng bansa.

“Para maresolba ang problema, kailangan ng limang bagay: isang lider na may vision, mahigpit na political will, magandang disenyo, magandang pagpaplano at maayos na pamamahala. Kaya pabor ako na mabigyan si Pangulong Duterte ng emergency powers basta lang may transparency,” punto ni Palafox.

Kabilang sa mga panukala ng JICA ang paglipat ng Manila North Harbor at Ninoy Aquino International Airport sa lalawigan ng Batangas at Sangley Point sa Cavite.

“Lubhang napakataas ng growth rate ng Kalakhang Maynila, partikular sa in-migration. Ang kailangan ay matukoy ang mga growth center sa labas ng Metro Manila na puwedeng magsilbing mga countermagnet,” ani Palafox.

Ipinaliwanag ng JICA na dahil ang domestic shipping ay nagmumula sa katimugan ng Maynila, magkakaroon ng savings sa ship operating cost kung dadaong sa Batangas kaysa North Harbor.

“Magti-trigger din ito ng shift ng cargo movements palayo sa Maynila at makapagbibigay ng volume ng exportable twenty-foot equivalent units o TEUs (ang capacity unit ng mga container ship) na makahihimok sa mga foreign vessel na dumaong sa Batangas Port,” dagdag ng JICA.

Ipinanukala din ng nabanggit na ahensiya ang karagdagang secondary mass transit lines at gayon din ang posibleng subway system para matugunan ang lumalagong commuting requirements ng pangunahing mga central business district.

Nanawagan din ang JICA sa pamahalaan na palawigin pa ang operasyon ng mahigit sa 35,000 jeepney at 5,000 bus na bumibiyahe sa Metro Manila para makatulong na maibsan ang problema ng congestion at trapiko.

ni Tracy Cabrera

About Tracy Cabrera

Check Also

ASIN Center Salt Innovation for a Better Future

ASIN Center: Salt Innovation for a Better Future

DOST Undersecretary for Regional Operations, Engr. Sancho A. Mabborang together with DOST 1 Regional Director, …

CasinoPlus FEAT

Casino Plus Celebrates Unprecedented Wins in Color Game Big Win Jackpot, Welcomes 21 New Multi-Millionaires within first month of launching

Casino Plus recently achieved a major milestone, marked with a celebratory press conference held on …

Chinatown TV sent field reporters to attend the Seminar on Press Officers and Journalists for the Philippines

Chinatown TV sent field reporters to attend the Seminar on Press Officers and Journalists for the Philippines

On November 27, 2024, Chinatown TV sent reporters Shakespeare Go and Andrew See to Changsha, …

BingoPlus Howlers Manila 3.0 FEAT

BingoPlus blasts the party at the Howlers Manila 3.0

BingoPlus, the country’s leading digital entertainment platform, elevated the Howlers Manila 3.0 Cosplay and Music …

BingoPlus, ArenaPlus, and GameZone wrap up 2024 in an appreciation night FEAT

BingoPlus, ArenaPlus, and GameZone wrap up 2024 in an appreciation night

METRO MANILA – BingoPlus, the country’s most comprehensive digital entertainment platform, together with your 24/7 …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *