Thursday , January 9 2025

Bilibid inilagay sa kontrol ng SAF (53 inmates inilipat)

072116_FRONT
PANSAMANTALANG inilipat ng Special Action Force (SAF) ang 53 high profile inmates sa ibang bahagi ng New Bilibid Prisons (NBP), habang nagpapatuloy ang unang “Oplan Galugad” ngayong Duterte administration.

Partikular na tinumbok ng operasyon kahapon ang Building 14 ng maximum security compound na puwesto ng kilalang convicted criminals.

Kasama sa operasyon si Justice Sec. Vitaliano Aguirre at iba pang mga opisyal ng ahensya.

Matatandaan, umabot sa mahigit 30 “Oplan Galugad” ang isinagawa noong Aquino administration ngunit marami pa rin kontrabando ang hindi nakuha.

Maglalabas ng ulat ang DoJ sa resulta ng kanilang pagsalakay ngayon sa NBP.

Kahapon ang simula nang pormal na paghawak ng isang batalyong SAF troopers sa pagbibigay seguridad sa national penitentiary.

ni JAJA GARCIA

SAF ‘WAG PASILAW SA SUHOL — GEN. BATO

MAHIGPIT ang bilin ni PNP chief, Director General Ronald “Bato” Dela Rosa sa SAF troopers na magbabantay sa New Bilibid Prison (NBP), na huwag magpasilaw sa mga suhol o bribery.

Tiniyak ni Dela Rosa, sa sandaling malaman niya na isa sa kanila ay gumawa ng kabulastugan, mananagot sila sa kanya.

Bago pa man nag-umpisa sa kanilang trabaho, kinausap muna ni Dela Rosa ang SAF troopers sa harap ni DoJ Sec. Vitaliano Aguirre.

Hiniling niya na huwag ipahiya ang kanilang uniporme, siya na kanilang PNP chief, at si Pangulong Rodrigo Duterte.

Idineploy ang elite force ng PNP sa Bilibid para hindi makapamayagpag ang nakakulong na drug lords sa kanilang illegal drug trade.

Isang batalyon ng PNP SAF ang dumating kahapon nang umaga sa national penitenciary.

Mananatili dalawa hanggang tatlong buwan ang police commando sa Bilibid.

Nakatakdang isailalim sa ‘retraining’ ang lahat ng jail guards na nakatalaga sa NBP.

Samantala, makatutuwang ng PNP SAF sa pagbabantay sa Bilibid ang mga miyembro ng Philippine Marines.

Nang ‘di makipag-areglo
P50-M PABUYA NG DRUG LORDS PARA ITUMBA SI AGUIRRE

NAG-ALOK ang drug lords ng P50 milyon para ipatumba si Justice Secretary Vitaliano Aguirre makaraan tumanggi siya sa malaking suhol, pagbubunyag kahapon ng kalihim.

Inihayag ito ni Aguirre kasabay ng pormal na pag-takeover ng 300 Special Action Force (SAF) sa NBP.

Ito ay may kaugnayan sa kampanya ng Duterte administration na masugpo ang droga sa national penitentiary.

Ayon kay Aguirre, nakatanggap siya ng impormasyong sinikap ng drug lords na makaipon ng pondo para masuhulan siya ng P100 milyon.

Kapareho aniya ito ng halagang sinasabing isinuhol ng drug lords sa mga opisyal ng Department of Justice  at National Bureau of Investigation sa nakaraang eleksiyon.

“Big drug lords have already wanted to pool their resources so they can offer me P100 million but they could not offer me because I can’t be corrupted and so they hired somebody to kill me for P50 million. The threat is very fresh,” aniya.

Aniya, masasabi niyang ang Bureau of Correction ang “most corrupt organization in the bureaucracy,”  base sa kanyang panayam sa dating BuCor officials, security guards at gayondin sa mga preso.

CHINESE GOV’T TUTULONG SA PAGHULI SA DRUG LORDS

TUTULONG ang gobyerno ng China sa paghuli at pagpapatigil ng ilang Chinese nationals na may kinalaman sa illegal drug trade sa bansa.

Ito ang naging pahayag ni DILG Sec. Mike Sueno kasabay ng pagbisita niya kahapon sa probinsiya ng South Cotabato at nanguna sa mass oath taking nang higit 3,000 drug surenderees.

Bukod dito, makikipag-ugnayan din aniya ang China sa Filipinas ukol sa pagbibigay ng intelligence reports para mapabilis ang paghuli ng kanilang mga mamamayan na nag-o-operate ng droga sa Filipinas.

Una nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipararating niya sa gobyerno ng China ang mga mamamayan nito sa Filipinas na sangkot sa illegal drug trade ngunit hindi pa man nangyayari ay may sagot na ang pamahalaan ng China.

About Jaja Garcia

Check Also

Ma. Thea Judinelle Casuncad

Miss Laguna wagi bilang Miss Supermodel Worldwide 2024

RATED Rni Rommel Gonzales NAKU Mareng Maricris Valdez, proud kami dahil tulad namin ay taga-Laguna …

Researchers eye more partners to test hand-writing tool research

Researchers eye more partners to test hand-writing tool research

By Claire Bernadette A. Mondares, DOST-STII Local researchers have developed a handwriting assessment tool, are …

Year End 2024 RTEC Meeting cum SETUP iFund Awarding Ceremony Showcases Progress and Innovation

Year End 2024 RTEC Meeting cum SETUP iFund Awarding Ceremony Showcases Progress and Innovation

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 concluded 2024 on a high note …

2024 SETUP PRAISE Awards Recognize Excellence in MSMEs Across Region 1

2024 SETUP PRAISE Awards Recognize Excellence in MSMEs Across Region 1

The Department of Science and Technology (DOST) Regional Office 1 recognized the 2024 SETUP PRAISE …

Lipa students learn science storytelling basics

Lipa students learn science storytelling basics

By Ryan Spencer P. Secadron, DOST-STII “Effective storytelling is key to science writing,” this was …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *