Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
GRACE POE/ MAY 28, 2014 Photo of Senator Grace Poe during her privilege speech at the Senate. CONTRIBUTED PHOTO BY JOSEPH VIDAL/ PRIB

Karnapers lagot sa batas ni Grace

HUMANDA ang mga karnaper.

Mas pinaigting na parusa ang naghihintay sa mga karnaper ngayong batas na ang panukala ni Senadora Grace Poe na naglalayong supilin ang nasabing krimen.

Makukulong nang 20 hanggang 30 taon ang mapapatunayang guilty ng carnapping sa ilalim ng Republic Act 10883, ang bagong Anti-Carnapping Law.

Kung may karahasan, ang pagkakakulong ay magiging 30 taon at isang araw hanggang 40 taon.

“Umaasa tayong ang bagong batas na ito, kasama ang pinaigting na implementasyon ng ating gobyerno, ay makatutulong upang masawata ang krimen at mabigyan ng kapayapaan ng loob ang mga nagmamay-ari ng sasakyan,” ani Poe, pangunahing sponsor ng naturang batas sa Senado.

Sa ilalim ng batas, ang carnapping ay isa nang non-bailable offense kung ang ebidensiya ng pagkakasala ay malakas.

Parurusahan din ang pagbebenta ng spare parts ng mga karnap na sasakyan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …