Monday , December 23 2024
CHED

Anti-Filipino GE curriculum ipinapipigil sa SC

INIHAIN ng tagapagtaguyod ng wikang Filipino ang petisyon sa Supreme Court na naglalayong ipatigil ang pagpapatupad ng government order na nag-aalis ng kurso sa national language mula sa general education curriculum sa colleges.

Ang 45-page petition na nakasulat sa Filipino, humiling ng pagpapalabas ng certiorari and prohibition, ay nananawagan sa High Court na ideklarang nagmalabis ang Commission on Higher Education (CHED) sa pagpapalabas ng Memorandum Order 20 series of 2013.

Sa nasabing memorandum ay ipinakilala ang bagong general education (GE) curriculum na ipatutupad sa 2018-2019. Gayonman, sa nasabing bagong GE, hindi kasama rito ang Filipino subjects at iba pang “remedial courses” dahil ito ay isasama na sa senior high school – ang karagdang dalawang taon sa basic education dahil sa pagpapatupad ng K to 12 program.

Itinuring ng mga kritiko ang memoramdum bilang pag-atake sa national language.

“The petitioners claim that they were never consulted in the crafting of the assailed CMO,” pahayag ng Alyansa ng Mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino/Alliance of Defenders of the Filipino Language (Tanggol Wika) sa kanilang naunang pahayag.

Ang ‘writ of certiorari and prohibition’ na hinihiling ng petitioners ay base sa alegasyong “grave abuse of discretion of respondents amounting to lack or excess of jurisdiction” ang tinutukoy na respondents ay sina Pangulong Benigno Aquino III at CHED Chairperson Patricia Licuanan.

Ang petisyon ay may mahabang listan ng mga sumusuporta kabilang si National Artist for Literature Bienvenido Lumbera, mahigit 100 college professors mula sa Tanggol Wika, at tatlong miyembro ng House of Representatives, na sina Antonio Tinio (ACT Teachers), Fernando Hicap (Anakpawis), Terry Ridon (Kabataan).

Sa nasabing petisyon, nanawagan din sa SC na magpalabas ng temporary restraining order and/or writ of preliminary injunction na pipigil sa respondents sa pagpapatupad ng memorandum.

Sinabi sa petisyon, nilabag ng memoramdum ang constitutional provisions sa “national language, Philippine culture, nationalist education, and labor policy.”

Partikular na nangangamba ang Tanggol Wika sa libo-libong GE professors – kabilang ang mga nagtuturo ng Filipino – na maaapektuhan ng memoramdum. Tinatayang aabot sa 38,071 teaching staff at 14,351 non-teaching staff ang maaaring mawalan ng trabaho kapag naipatupad ang nasabing memoramdum.

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *