Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jaya, pinakabagong hurado ng Tawag ng Tanghalan

MAS magiging mahigpit ang tagisan ng galing sa kantahan ng mga Pinoy ngayong isa na rin sa mga hurado ang Queen of Soul na si Jaya sa sikat at inaabangang patimpalak sa kantahan tuwing tanghali, ang  Tawag ng Tanghalan sa  It’s Showtime.

Makakasama na si Jaya ng mga dekalibreng huradong kikilatis sa talento ng mga mang-aawit mula Luzon, Visayas, Mindanao, at Metro Manila na tiyak kasasabikan ng mga manonood. Lubos naman ang saya ng Queen of Soul para sa pagkakataong makapagbahagi ng kaalaman at karanasan sa aspiring singers ng bansa sa entablado ng Tawag ng Tanghalan.

Bukod pa nga kay Jaya, kasama rin sina Kyla, Erik Santos, at maestro Louie Ocampo sa mga pinakabagong hurado ng Quarter Three ng patimpalak.

Huwag palampasin ang galing ng Pinoy sa kantahan ng singing competition na minahal ng masa, ang Tawag ng Tanghalan, sa It’s Showtime tuwing tanghali sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Para sa karagdagang impormasyon, mag-log on sa TawagNgTanghalan.abs-cbn.com/livestream tuwing tanghali at i-follow ito sa Twitter (@TNTABSCBN) at sa instagram (@TawagNgTanghalan). I-like din ang Facebook page nito safacebook.com/TawagNgTanghalan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …