Monday , December 23 2024

Naubusan ng kanin, ginang nagbigti (Kabilang sa drug surrenderees)

DAGUPAN CITY – Nagbigti ang isang 23-anyos ginang na kabilang sa boluntaryong sumuko sa pulisya dahil sa paggamit ng ilegal droga sa lungsod ng Dagupan.

Kinilala ang biktimang si Charlene Mae De Vera, residente ng Bagong Barrio Bonuan Binloc sa nasabing lungsod.

Nadatnan nang nakababatang kapatid na si Rodelito De Vera, 18, ang nakabigting katawan ng biktima sa loob ng bahay gamit ang isang nylon cord.

Bago ang insidente, narinig ni Rodelito ang kanyang ate at live-in partner na si Joshua Orate, 33, habang nagtatalo nang maubusan ng kanin ang biktima.

Lumabas si Orate upang maiwasang lumala ang kanilang pagtatalo na humantong sa pagpapakamatay ng biktima.

Napag-alaman, kabilang ang biktima sa mga kusang sumuko sa pulisya kaugnay sa pinaigting na kampanya kontra ilegal na droga.

Napag-alaman, dalawang beses nang tinangkang magpakamatay ng biktima.

TULAK NA HOLDAPER UTAS SA SAGUPAAN

PATAY ang isang hinihinalang tulak na holdaper at dati nang nakalaboso sa tulad na kaso, makaraan makipagpalitan ng putok sa mga pulis sa buy-bust operation kahapon ng madaling araw sa San Mateo, Rizal.

Kinilala ni Supt. Ruben Piquero, chief of police, ang napatay na si Henrico Lauta, alyas Intsek, nakatira sa Patiis Road, Brgy. Malanday ng nabanggit na lugar.

Ayon sa imbestigasyon, dakong 3:30 am. sa isinagawang operasyon, bago iabot ang droga sa pulis ay nagpaputok ang suspek.

Bunsod nito, gumanti ng putok ang mga operatiba na nagresulta sa pagkamatay ng suspek.

( ED MORENO )

Sa Ilocos Sur

DRUG SURRENDEREE TODAS SA TANDEM

VIGAN CITY – Patay ang isang drug surrenderee makaraan barilin ng hindi nakilalang mga suspek sa loob ng kanilang bahay sa Ilocos Sur kamakalawa.

Ang biktima ay kinilalang si John Paul Camangeg, 37, fish vendor, ng Brgy. Quezon, Cabugao.

Batay sa imbestigasyon ng Cabugao-Philippine National Police, nanonood ng telebisyon si Camangeg at kanyang pamilya nang pumasok ang isa sa mga suspek at binaril ang biktima sa ulo at iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Agad tumakas ang suspek ngunit hinabol ng nagngangalang John Cedric Camangeg, 18, college student, at sinuntok niya ngunit binaril siya na tumama sa kanyang likod.

Ang biktima ay kabilang sa drug watchlist ng nasabing bayan na sumuko sa mga awtoridad noong Hunyo 13 dahil sa pagnanais na magbago.

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *