MARIING iminungkuhi ng Quezon City Office of the Building Official (OBO) na ang mabilis na paraan sa pag-iisyu ng building permits ay dapat tiyakin ang kaligtasan nito ng kanilang counterparts na mga professional na engineers.
Nabatid kay Isagani Verzosa, chief ng Quezon City Office of the Building Official (OBO) ang naturang panukala ay umani ng positibong reaksiyon sa nakaraang meeting Department of Public Works and Highways (DPWH) officer-in-charge (OIC) Rafael “Pye” Yabut.
Sa naturang meeting, ang mga engineer mula sa DPWH at OBO ay sumang-ayon na ang mga kasalukuyan building code na ginawa noong 1970 ay dapat nang amyendahan.
Ayon kay Verzosa sa naturang sistema papayagan ang engineers na may high standing at hindi matatawarang integridad na mag-practice ng kanilang profession habang ang mga hindi karapat-dapat ay dapat disiplinahin ng PRC.
Nauna rito magugunitang inakusahan ng korupsyon ang Office of the Building Official (OBO) dahil sa mabagal na pagre-release ng building permits.
Bagamat inamin ni Verzosa, ang mabagal na proseso ng pagkuha ng building permit sa lungsod sinabi niya na hindi porket naisumite ang mga kaukulang dokumento ay agad mailalabas ang building permits dahil mahigpit pang tinitignan ng building official kung nasunod nga nito sa building code.
Ayon kay Verzosa, sa naturang sistema ang paglilipat ng building safety responsibilities sa mga private professional na kinukuha ng mga building owners ay makatutulong nang malaki para mawala ang mga fixers at corrupt na OBO personnel.
Sinabi ng opisyal, ang pangunahing concern nila ay “safety” ng naturang gusali kung bakit tumatagal ang pagi-isyu ng building permit.