Thursday , December 19 2024
PANGIL ni Tracy Cabrera

Mabuhay si Pangulong Duterte!

I have absolutely no pleasure in the stimulants in which I sometimes so madly indulge. It has not been in the pursuit of pleasure that I have periled life and reputation and reason. It has been the desperate attempt to escape from torturing memories, from a sense of insupportable loneliness and a dread of some strange impending doom. — Edgar Allan Poe

PASAKALYE: Sinuwerteng mapili ang MARULAS ELEMENTARY SCHOOL (MES) sa ikatlong distrito ng lungsod ng Caloocan para mabigyan ng ayuda mula sa One Meralco Foundation.

Ayon kay Joelito Miranda, officer-in-charge ng Auxiliary Business Center ng Meralco sa Caloocan City, napili ang MES sa mahigit 1,000 eskuwelahan para mabigyan ng set ng encyclopedia, inter-active learning materials at sports equipment, tulad ng mga bola ng basketball, volleyball at soccer.

Naging saksi sa maikling seremonya sa pagkakaloob ng tulong ng One Meralco Foundation ang principal ng paaralan na si Ginang Amelia Batalia at sina Obet Quizon ng Department of Social Welfare and Development at Concepcion Bunag na supervisor ng Division of City Schools ng Department of Education (DepEd) sa Caloocan City.

SINIMULAN na ng pambansang pulisya ang kanilang OPLAN: KATOK, kabahagi ng kampanya ng administrasyong DUTERTE laban sa ilegal na droga.

Sa estadistika, tinatayang 3,000 drug pusher ang na-neutralize simula nang maupo si Pangulong RODRIGO ROA DUTERTE nitong nakaraang Hulyo 1.

Sana nga’y seryosohin na ng pulisya ang pagsugpo sa droga at malinis na ang ating bansa at lipunan sa matituring na salot at kanser ng ating lipunan.

Mabuhay po kayo, Pangulong DUTERTE!

Panig si OLALIA sa mga NPA

HINDI naman natin masisi ang pulisya kung bakit ngayon lamang sila nagpursiging ‘linisin’ ang drug pushers, drug lords at iba pang konektado sa drugs. Dahil hindi naman sila iaba-back-up ng nakaraang administrasyon kapag nakapatay sila ng mga ganitong uri ng tao. Kakasuhan pa sila at nangangambang balikan ng drug lords. Ngayon, si Pangulong Duterte na ang nakaupo at may basbas sa lahat ng ginagawa ng pulisya. Hindi ba nagdeklara ng war si Pangulong Duterte laban sa kanila? Kaya sumusunod lamang ang pulisya. Dapat naman talagang mahinto na ang paglaganap ng drugs sa ating bayan. Marami na ang naging biktima dahil ang mga salarin ay lango sa pinagbabawal na gamot.

Itong si G. Edre Olalia, Secretary General ng National Union of People’s Lawyers nagsabi na kailangan ihinto ang pagpatay sa mga taong iyan. Hindi ba ang mga taong ‘yan ay siyang sumisira sa kinabukasan ng kabataan dahil sa kanilang gawaing pagbebenta ng drugs? Sabi nga ni Pangulong Duterte it is time for retribution o pagbayarin sa ginawa nilang kasalanan. Kaya saludo ako kay Pangulong Duterte. Si G. Olalia ay kinokondena ang pagpatay sa mga drug people pero iyong pinapatay ng NPA na mga sibilyan, pulis at sundalo ay wala kang marinig sa kanya.  Kaya halatang panig si Olalia sa mga NPA. At ayaw ang real change ni Pangulong Duterte. — Ronel A. Alagar ng Pasig City ([email protected], Hulyo 5, 2016)

Walang karapatan ang NPA

TAMA si Senator Panfilo Lacson na walang karapatan ang NPA na mag-aresto sa mga drug suspects. Hindi ba mga outlaw itong mga NPA, bakit sila bibigyan ng authority para hulihin o patayin ang mga drug suspects? Tanging ang kapulisan lamang ang may authority na hulihin ang mga drug suspects ayon sa Saligang Batas.

Marahil sa kagustuhan lamang ni Pangulong Duterte na mas lalong matakot ang mga drug suspects, kaya humihingi siya ng tulong sa mga NPA. Hindi ba abogado itong Pangulo natin? Kaya alam niya ang batas at alam niya ang ginagawa niya. Kaya chill lang kayo pasasaan ba mauubos din niyang mga drug lords at drug pushers. Sa takbo ng mga pangyayari, tiyak akong within six months mababawasan na ang mga anay ng lipunan. It is the time of retribution and the real change is on the making. — Roy Arthur A. Albania ng Pasay City ([email protected], Hulyo 5, 2016)

* * *

PARA sa inyong komento o suhestiyon, reklamo o kahilingan, magpadala lamang ng mensahe o impormasyon sa aking email na [email protected] o dili kaya’y i-text n’yo na lang ako sa aking cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 0939122568 para sa Smart. Salamat po!

PANGIL – Tracy Cabrera

About Tracy Cabrera

Check Also

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa 3.6-M SSS pensioners, May 13th month naaaaa!!!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IKAW! Oo, ikaw my dear friend, isa ka ba sa 3.6 …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …

Firing Line Robert Roque

Pagod na sa daluyong — kahit pa nasa tasa

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MAKALIPAS ang 10 araw sa detension, pinalaya na nitong …

Dragon Lady Amor Virata

Bayaw vs hipag for P’que city mayor

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MAGBABALIK si formermayor and congressman Edwin L. Olivarez sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *