Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gary V Presents at Gary V. memorabilia, sa Kia at Gateway

MAGAGANAP ang ikaapat at pinaka-kapanapanabik na installment ng critically acclaimed at commercially successful na Gary V Presents series ni Gary Valenciano ngayong weekend, Hulyo 15 at 16 sa Kia Theater, Araneta Center, Cubao, Quezon City.

Itatanghal ang Gary V Presents sa ikaapat na pagkakataon dahil sa insistent public demand at para ipagdiwang ang ika-33 anibersaryo ni Gary sa industriya gayundin ang ika-30 taong anibersaryo ng kanyang management company, ang Manila Genesis Entertainment and Management Inc..

Isang major source of inspiration ang karera ni Gary para sa ‘di mabilang na mga Filipino. Isa siya sa pinaka-impluwensiyal at pinaka-accomplished na musical artist ng bansa. Naghari siya sa pelikula at telebisyon. Isa siyang respetadong product endorser. At na-sustain at lalo pa niyang napalakas ang kasikatan niya sa loob ng mahigit na tatlong dekada.

At bilang pasasalamat sa mga tagahangga ni Gary, inilunsad ng Manila Genesis ang isang napakagandang Gary V memorabilia exhibit sa Activity Center, Level 1 ng Gateway Mall sa Araneta Center, Cubao, Quezon City. Nasa exhibit na ‘yon, na tatakbo hanggang Hulyo 16, ang mga tropeo ni Gary gayundin ang kanyang legendary costumes; magazine covers; concert at movie posters; merchandising materials gaya ng Gary V mugs, t-shirts, at notebooks; never-before-seen photos; vintage vinyl at cassette records, at marami pang iba. Ang mga rare collectible items ay tiyak na kagigiliwan ng kanyang mga tagahangga.

Ang Gary V. Presents concert ay idinirere nina Gary at ng kanyang anak na si Paolo Valenciano at sa musical direction ni Mon Faustino. Tampok dito ang personal choice ni Gary ng mga bagong artists, na kinabibilangan ng The X-Factor Philippines season one top finalist na si Allan Silonga ng all-male vocal group na Daddy’s Home; world music singer na si Bullet Dumas; award-winning theater actress na si Carla Guevara-Laforteza; ang mga mahuhusay na mang-aawit ng The Voice Of The Philippines gaya ng season one grand winner na si Mitoy Yonting, season one grand finalist na si Janice Javier, season one finalist na si RJ Dela Fuente, at season two finalist na si Timmy Pavino; Star In A Million season two grand finalist at R&B singer na si Jimmy Marquez; award-winning recording artist at singer-songwriter na si Kiana Valenciano; at suklay diva at internet sensation na si Katrina Velarde at classical-pop singer na si Lara Maigue na parehong nagbida sa ng top-rating TV series ng TV5 na Trenderas. Ang singer-songwriter naman na si Abby Asistio ang magsisilbing opening act ng konsiyerto.

Ang Gary V Presents ay para sa benepisyo ng scholarship at diabetes programs ng Shining Light Foundation Inc. Para sa mga ticket inquires tumawag sa Ticketworld at 911-5555 o sa 0917-5413389 at (632) 535-0786. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.garyv.com, i-like ang GaryValencinaoOfficial sa Facebook, sundan ang si Gary sa Twitter (@garyvalenciano1), Instagram (@therealgaryv), at YouTube (Gary Valenciano/Gary V TV); i-like ang ManilaGenesisEM sa Facebook, at sundan ang Manila Genesis sa Twitter (@manila_genesis), Instagram (@manilagenesis), ar YouTube (Manila Genesis TV).

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …