Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Born For You ng Dos, may libreng promo sa movie nina Maine at Alden

00 fact sheet reggeeNAKALIBRE ng promo ang seryeng Born For You kina Kakai Bautista at Cai Cortez sa pelikulang Imagine You & Me dahil binanggit nila ang titulo ng serye nina Elmo Magalona at Janella Salvador na umeere ngayon sa ABS-CBN.

Sinabihan kasi ni Cai si Maine Mendoza na baka nga si Alden ang magiging unang boyfriend niya at sabay sabi ng una kay Maine ng “baka he (Alden) was really born for you.”

Kaya tawanan ang lahat dahil libreng promo raw ito para sa ABS-CBN show.

Speaking of Born For You, tuloy ang pamamayagpagpag nito sa rating games dahil bukod sa nationwide ratings ay umarangkada rin ito sa social media sa pangunguna sa Social WIT List ng worldscreen.com bilang pinaka-pinag-usapang bagong programa sa buong mundo noong buwan ng Hunyo.

Ayon sa World Screen, isang 31-year-old publication na nagbabalita sa media companies sa buong mundo at sumisiyasat ng iba’t ibang global media trends, humakot ng kaliwa’t kanang papuri sa online world ang pagbubukas ng seryeng pinagbibidahan nina Elmo at Janella at nakapagtala ng libo-libong tweets mula sa netizens. Bukod sa Born for You, kasama rin sa listahan ang Adventures in Baby Sitting ng Disney Channel, Greenleaf na produced ng world-renowned host na si Oprah Winfrey, at iba pang palabas mula sa mga bansang UK, Brazil, France, at Turkey.

Huwag palampasin ang teleseryeng magpapatunay na mayroong nakatadhanang tao para sa lahat, ang Born for You, gabi-gabi sa ABS-CBN.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …