Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Koreana timbog sa NAIA (Nagbaon ng ‘damo’ patungong busan)

071416 korean arrest marijuana
NAARESTO ang Korean national na si Eunho Ahn, 24, sa NAIA terminal 3 dahil sa nakuhang 117 gramo ng Marijuana at mga tabletas na hinihinalang party drugs. ( JERRY YAP )

INARESTO ng mga awtoridad sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal ang isang Korean national na nahulihan ng 117 gramo ng marijuana nitong Martes.

Kinilala ni Senior Supt. Mao Aplasca, bagong director Police – Aviation Security Group (Avsegroup), ang suspek na si Eunho Ahn, 24, isinailalim sa kustodiya ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para sa imbestigasyon.

“Nasakote si Ms. Eunho Ahn, dahil sa dala niyang mari-juana na tinatayang nasa 117 gramo habang isinasailalim sa body screening,” ani Aplasca.

Pasakay sa Philippine Airlines flight patungong Busan, South Korea ang suspek nang mabisto ng mga kagawad ng Office of Transportation Security (OTS) sa pamumuno  ni Judy Anne de Belen ang ipinagbabawal na droga sa kanyang tiyan dakong 2:30 pm.

Ayon kay Aplasca, ininspeksiyon ng mga tauhan ng OTS ang luggage ng suspek at doon natuklasan ang iba’t ibang uri ng tabletas, na pinaniniwalaang ecstasy, isang mapanganib na party drug.

Dinala ng mga awtoridad ang suspek sa Manila International Airport Authority (MIAA) medical clinic para sa physical examination saka ipinasa sa kustodiya ng PDEA.

Kapag napatunayang guilty, ang Koreana ay maaaring maharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drug Act (R.A. 9165) na may habambuhay na pagkakakulong at multang P500,000 hanggang P10 milyon.

( GLORIA GALUNO )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Gloria Galuno

Check Also

Goitia PCG PH Army

Goitia: Ang Pag-atake sa Escoda Shoal ay Maaaring Ituring na Deklarasyon ng Digmaan

Sinasadyang Karahasan sa Kabuhayan ng Pilipino Ang pagkasugat ng tatlong mangingisdang Pilipino at pagkasira ng …

Brian Poe FPJ Grace Poe

Iba’t Ibang sektor nagkaisa sa paggunita kay FPJ
Suporta para sa legasiya ni FPJ at Grace Poe ipinahayag sa Ika-21 anibersaryo ng pagpanaw

LIBO-LIBONG mamamayan mula sa iba’t ibang sektor ang nagsama-sama upang gunitain ang ika-21 anibersaryo ng …

DOST Region 02 Upskills ST Pen Videography to Boost Scicomm

DOST Region 02 Upskills S&T Pen Videography to Boost Scicomm

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 strengthened its science communication initiatives as …

PTFOMS Recto

Recto: Human security must be central to national security

Executive Secretary Ralph G. Recto has underscored that human security must be central to the …

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …