TAGBILARAN CITY, Bohol – Naospital ang isang 51-anyos lalaki sa lungsod na ito makaraan lumunok ng 90 buto ng santol.
Ayon kay Bienvenido Fernandez, naka-confinesa Gov. Celestino Gallares Memorial Hospital, nilunok niya ang mga buto ng santol imbes na iluwa nitong Martes.
Ngunit nitong Miyerkoles, nakaramdam ang biktima ng pagsakit ng tiyan at nahihirapang umihi kaya isinugod sa ospital.
Isinailalim sa ultrasound ang tiyan ng biktima at nakatakdang sanang operahan nitong Sabado kung hindi niya nailabas ang lahat ng mga buto ng santol.
Ngunit sinabi ni Fernandez na matagumpay niyang nailabas ang lahat ng mga buto.
Siya ay kasalukuyang under observation sa nabanggit na ospital.