Saturday , December 21 2024

Pabuya vs Duterte galing sa drug triad (Kompirmasyon ng SolGen)

HINDI inaalis ng Malacañang ang posibilidad na ang mga pinangalanang drug lords ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nag-ambag-ambag ng pabuya para mawala sa landas nila ang Pangulo at si PNP chief Ronaldo “Bato” dela Rosa.

Sinabi ni Solicitor General Jose Calida, kung pagbabatayan ang inilabas na organizational chart o matrix, malaki ang posibilidad na ang drug lords na sina Peter Lim alyas Jaguar, Wu Tuan alyas Peter Co at Herbert Colangco ang may malaking interes para maalis ang malaking balakid sa kanilang drug operations.

Magugunitang sinasabing P50 milyon ang alok na pabuya ng drug lords para sa sino mang makapapatay kina Pangulong Duterte at Dela Rosa makaraan ilunsad ang all out war laban sa illegal drug trade sa bansa.

Kinompirma rin kamakalawa ni Duterte na umabot na sa bilyon ang pabuya para siya ay itumba siya.

Ngunit sa kabila nang malaking pabuya sa ulo, hindi natinag si Pangulong Duterte bagkus ay nagbantang wawalisin niya ang lahat ng nasa sindikato at sila ay papatayin.

DUE PROCESS TINIYAK NI DIGONG VS NARCO GENERALS

DAVAO CITY – Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Biyernes, daraan sa due process ang limang heneral na tinagurian niyang mga protektor ng illegal na droga.

“I am not condemning them, they deserve an investigation,” pahayag ni Duterte sa kanyang talumpati sa Hariraya Eid’l Fitr event nitong Biyernes ng gabi sa SMX Convention Center sa Davao.

Nauna rito, sinibak ni Duterte sa puwesto sina police officers Chief Superintendent Bernardo Diaz, Director Joel Pagdilao at Chief Superintendent Edgardo Tinio bunsod nang sinasabing pagkakasangkot sa illegal drugs.

Tinukoy rin niya ang dalawang retiradong police officers na sina Deputy Director-General Marcelo Garbo Jr., at Chief Superintendent Vicente Loot (ngayon ay municipal mayor ng Daanbantayan, Cebu), bilang protektor ng drug lords.

Ayon sa Pangulo, tungkulin niyang ipabatid sa sambayanan ang kaugnay sa tiwaling mga pulis at sibakin sila sa puwesto bago simulan ang imbestigasyon.

“I have a sworn duty to let you know kung ano ang nangyayari sa ating bayan. These are the things I have to do because I’m the president,” pahayag ng Pangulo.

Itinanggi ng dating Davao City mayor ang alegasyong ang kanyang hakbang ay ‘politically motivated’.

“Wala naman pinatawad dito. Waray, Maranaw, Ilonggo, lahat dito pantay-pantay. Everybody must answer to the law,” aniya.

23 MAYORS SANGKOT SA ILLEGAL DRUGS — PNP CHIEF

AABOT sa 23 mayor sa buong bansa ang sangkot sa illegal drug trade, ayon kay Philippine National Police chief, Dir. Gen. Ronald “Bato” dela Rosa nitong Biyernes.

Hindi tinukoy ni Dela Rosa ang pagkakilanlan ng mga alkalde ngunit hinamon niyang sila ay mag-aarmas dahil sila ay tutugisin ng puwersa ng pulisya kaugnay sa kampanya laban sa mga sindikato sa droga.

“Nakalulungkot na malaman natin na may mga mayor na involved,” ayon kay Dela Rosa. “I hope na ‘yung mga mayor na ‘yun nag-aarmas nang husto [para] makipag-giyera sa ‘tin.”

Sinabi ni Dela Rosa, tutukuyin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pangalan ng 23 alkalde na sangkot sa droga kapag sapat na ang nakalap na mga ebidensiya laban sa kanila.

“Marami nang nagte-text sa ‘kin kahapon. [Sabi ko sa kanila,] you clear your name dun sa nag-announce, dun kay presidente, ‘wag sa akin,” ayon kay Dela Rosa.

DRUG TEST SA GOV’T WORKERS OKEY SA PALASYO

SUPORTADO ng Malacañang ang panukalang mandatory drug test sa lahat ng mga opisyal at kawani ng pamahalaan.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, maituturing itong welcome development para patunayang ang mga nagsisilbi sa gobyerno ay maayos.

Ayon kay Abella, hindi raw ito dapat ituring na pagpapahiya, bagkus ito ay simbolikong hakbang para tiyakin sa publiko na ang mga nasa pamahalaan ay karapat-dapat sa pagtitiwala.

Dapat daw maipabatid na ang prayoridad ni Pangulong Rodrigo Duterte ay maibalik ang tiwala at kompiyansa ng taongbayan sa gobyerno.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *