SINAMPAHAN nang panibagong kaso sa Ombudsman sina dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III at dating Budget Sec. Florencio “Butch” Abad dahil sa isyu ng Disbursement Acceleration Program (DAP).
Batay sa reklamong inihain nina Bayan Muna Rep. Isagani Zarate, Ferdinand Gaite at iba pang personalidad, kasong graft, technical malversation at usurpation of legislative powers ang inihain nila laban sa dalawang dating opisyal.
Giit nila, nilabag ng dating pangulo ang distribusyon ng kapangyarihan sa gobyerno nang panghimasukan niya ang trabaho ng Kongreso.
Bukod dito, ilan pang mga kaso ang inihahanda laban kay dating Pangulong Aquino.