Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ang Probinsyano ‘di nakayanang igupo, katapat na show babu na

00 fact sheet reggeeMAY ka-loveteam na si Pepe Herrera alyas Benny sa FPJ’s Ang Probinsyano, si Meg Imperial na bagong pasok sa serye ni Coco Martin sa papel na estudyante at gustong magtrabaho para matustusan ang pag-aaral.

Nakatutuwa dahil ginaya sa seryeng Born For You ang unang pagkikita nina Benny (Pepe) at Maribel (Meg) na nagkabanggaan sa may pinto at nagkabuhol-buhol ang tali ng ID nila na kulay pula rin. Hindi nga lang invisible strings ang sa kanila.

Love at first sight ang naramdaman ng sidekick ni Cardo (Coco) sa bagong guest nila at malalaman sa mga susunod na episode kung ano ang kahihinatnan nina Benny at Maribel.

At dahil sa sobrang in-lavey si Benny kay Maribel ay sinadya niya ito sa eskuwelahang pinapasukan at dinalhan ng bulaklak at nakalimutan ang oras na dapat ay susunduin niya sina Mac Mac at Onyok sa eskuwelahan.

Ang ending, nahuli ng mga pulis ang dalawang bagets dahil inabot ng curfew sa daan dahil nagkaligaw-ligaw sila pauwi.

Galit na galit naman si Cardo kay Benny kaya humanda raw ito pagdating nila ng bahay habang hinahanap nila ang dalawang bata.

Samantala, base sa napanood namin noong Lunes ay pasok na si Cesar Montano sa Ang Probinsyano bilang bagong kalaban ni Coco. Sey ni Cesar, alam na niya ang bawat galaw ni Cardo kaya siya na marahil ang makakatapat ng Ang Probinsyano pagdating sa aksiyon.

Nananatili sa number one slot ang Ang Probinsyano na umabot na sa 44% sa ratings game na hindi na kinayang talunin ng katapat nitong programa kaya malapit na ring magtapos.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …