Monday , December 23 2024
ronald bato dela rosa pnp

Morale ng PNP mataas pa rin — Gen. Bato

TINIYAK ni PNP chief, Director General Ronald Dela Rosa, nananatiling mataas ang morale ng PNP kahit tatlo sa kanilang matataas na opisyal ang pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte na sangkot sa ilegal na droga.

Sinabi ni Dela Rosa, ang kinakaharap nilang isyu ngayon ay bahagi lamang ng pagsubok sa buhay at darating ang panahon na lilipas din ito.

Pagbibigay-diin ng heneral, psitibo nilang tinatanggap ang nasabing isyu.

Aniya, sa pagtukoy sa tatlong heneral na sangkot sa illegal drugs, umaasa si Dela Rosa na magsisilbi itong leksiyon sa mga pulis.

Inihayag din ni PNP chief, napakalaki ang epekto nito lalo sa tatlong heneral na isinasangkot sa ilegal na droga.

Siniguro ni Dela Rosa, kahit upper classmen niya ang nasabing mga heneral, gagawin niya ang kanyang makakaya para sila ay suportahan.

Aniya, aasahan pa raw sa mga susunod na araw na may mga pangalan pang ilalabas si Pangulong Duterte.

Pagbibigay-diin ng PNP chief, bilang pangulo ng bansa, may access si Duterte sa lahat ng mga impormasyon mula sa iba’t ibang intelligence agencies pati na rin ang mga impormasyon na nanggagaling sa ibang bansa gaya ng United States Drug Enforcement Agency (USDA).

Tinukoy ni Pangulong Rodrigo Duterte sina dating NCRPO chief, Police Director Joel Pagdilao, dating QCPD director Chief Supt. Edgardo Tinio at Chief Supt. Bernardo Diaz.

Samantala, ikinatuwa ni Dela Rosa ang pagpapakitang gilas ngayon ng mga pulis lalo sa kanilang anti-illegal drug operations.

ni ROSE NOVENARIO

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *