Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gilas vs new Zealand

MATAPOS kasahan ng Gilas Pilipinas ang France, susubukan naman nila ang tikas ng New Zealand sa pagtutuos nila mamayang alas-nuweve ng gabi sa 2016 FIBA (International Basketball Federation) Olympic Qualifying Tournament sa Mall of Asia Arena, Pasay City.

Kailangang manalo ng nationals para makasampa sa susunod na elimination at magkaroon ng tsansa na makahirit ng ticket para sa 31st Summer Olympic Games sa parating na Aug. 5-21 sa Rio de Janeiro, Brazil.

Nasa Group B ang No. 5 France, Philippines at New Zealand habang Group A ang Turkey Senegal at Canada.

Dalawang teams ang sasampa sa bawat bracket at magkakaroon ng crossover knock-out game.

Ibabandera ng Gilas Pilipinas sina naturalized Andray Blatche, Marc Pingris, Jayson Castro, Terrence Romeo, Gabe Norwood, JunMar Fajardo, Ranidel De Ocampo, Japeth Aguilar, Jeff Chan, Bobby Ray Parks Jr., Troy Rosario at Ryan Reyes.

Unang laro sa Group A ang Canada kontra Senegal.

( ARABELA PRINCESS DAWA )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Arabela Princess Dawa

Check Also

Aleah Finnegan SEAG

Finnegan nasungkit ang pangalawang ginto sa SEA Games

BANGKOK — Muling pinatunayan ni Paris Olympian Aleah Finnegan na siya ang pinakamakinang na bituin …

Justin Kobe Macario SEAG

Macario, unang gintong panalo ng PH sa Thailand SEA Games

BANGKOK – Inihatid ni Justin Kobe Macario ang unang ginto para sa Pilipinas sa Southeast …

PH Womens Ice Hockey SEAG

PH Women’s Ice Hockey, Optimistiko sa SEA Games Gold Kahit Talo sa Thailand

BANGKOK — Naniniwala ang Philippine women’s ice hockey team na mayroon pa rin silang tsansa …

Godwin Langbayan Rajae Dwight Del Rosario SEAG

Godwin Langbayan, Nag-uwi ng Bronze sa Jiu-Jitsu Fighting Class ng SEA Games

BANGKOK — Tinalo ni Godwin Langbayan si Rajae Dwight Del Rosario, 21-16, sa isang all-Filipino …

PH taekwondo jins Poomsae SEAG

PH taekwondo jins, nasungkit ang silver sa men’s Poomsae team sa SEA Games

BANGKOK – Nakakuha ng unang silver medal para sa bansa ang mga Filipino taekwondo jins …