BUMUO ng legal team si Justice Secretary Vitaliano Aguirre II para tutukan ang imbestigasyon kaugnay sa sinasabing midnight resolution nang nagdaang liderato sa Department of Justice (DoJ).
Magugunitang inakusahan ng grupong Filipino Alliance for Truth and Empowerment (FATE) si dating Justice Secretary Emannuel Caparas na naglabas ng midnight resolution bago bumaba sa puwesto.
Dahil dito, inatasan ni Aguirre ang kanyang legal team para makipag-ugnayan sa FATE at makakuha ng mga impormasyon.
Agad nilinaw ni Aguirre na hindi lang ang isyu ng midnight resolution ang tututukan ng grupo.
Ayon kay Aguirre, kabilang din sa aasikasuhin ng grupo ang iba pang malalaking kasong matagal nang nakabinbin sa DoJ.