Thursday , June 4 2026

Laban ng Gilas Pilipinas papanoorin ni Duterte

MALAKI ang tsansa na personal na panoorin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang laban ng Gilas Pilipinas at France sa FIBA Olympic Qualifying Tournament sa Mall of Asia Arena bukas.

“He might watch,” matipid na sagot ni Presidential Spokesman Ernesto Abella nang tanungin kung manonood si Duterte ng laban ng Gilas at France.

Matatandaan, noong nakaraang buwan ay binisita ni Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) executive director Sonny Barrios si Duterte sa Davao City para imbitahan na manood ng Olympic qualifier.

Noong Biyernes ay namataan si Special Assistant to the President Cristopher “Bong” Go, na nanood sa Gilas Pilipinas tune-up game laban sa koponan ng Turkey.

Target ng Gilas Pilipinas na makuha ang isa sa tatlong natitirang slot para makapasok sa Summer Olympics sa Rio de Janeiro, Brazil sa Agosto.

( ROSE NOVENARIO )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …