Friday , November 15 2024

Panukala para sa Con-con isinulong din sa Kamara

NAGSUMITE na si Cebu Rep. Gwendolyn Garcia ng panukalang batas na nagtatakda ng parameters sa paghahalal ng delegado sa constitutional convention at rules of procedure para sa operasyon ng Concon para sa pagbabago ng saligang batas.

Sa ilalim ng House Bill 312 ni Garcia, itinatakda na 107 ang delegadong ihahalal para bumuo ng Concon at ang kuwalipikasyon ay katulad sa inihahalal na kongresista.

Kung maaaprubahan ito, ang eleksiyon para sa Concon delegates ay gaganapin sa ikalawang Lunes ng Enero 2017 at mano-mano ang sistema ng halalan.

Para sa National Capital Region, 13 ang magiging delegado; lima sa Ilocos region; 11 sa Central Luzon, lima sa Western Visayas; apat para sa Zamboanga Peninsula; at lima para sa Soksargen area.

Pagkatapos ng eleksiyon, ang Concon ay magko-convene para sa opening session sa unang Lunes ng Marso 2017, dakong 10:00 am sa session hall ng Kamara.

Ang senate president at speaker of the house ang magkasabay na magbubukas ng opening session bago ihalal ang presidente ng lupon.

Ang Concon ang lilikha ng sarili nitong mga komite at bubuo ng sariling rules pati na ang paghahanda ng sariling budget para sa operasyon ukol sa charter change.

Aabot sa P300 milyon ang ipanunukalang pondo para sa eleksiyon ng mga delegado habang P500 milyon para sa operasyon ng Concon.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *