LALO pang lumakas ang bagyong may international name na Nepartak at tatawaging tropical storm Butchoy kapag pumasok sa Philippine area of responsibility (PAR).
Mula sa 65 kph, umaabot na ngayon sa 75 kph ang taglay nitong lakas habang may pagbugsong 90 kph.
Kumikilos ang bagyo nang pahilagang kanluran sa bilis na 30 kph mula sa 7 kph kahapon.
Huli itong namataan sa layong 1,855 km silangan ng Visayas.
Ngayong umaga, ang sentro ng bagyo ay tinatayang nasa layong 1,655 km silangan ng Infanta, Quezon.
Samantala, ang low pressure area (LPA) sa silangan ng Sorsogon City, Sorsogon ay tuluyan nang nalusaw.
Gayonman, magdadala pa rin ito ng pag-ulan na maaaring magresulta ng pagbaha at pagguho ng lupa.