Monday , November 18 2024

Diborsiyo itutulak ng transgender lawmaker (Sa ika-17 Kongreso)

ITUTULAK ng kauna-una-hang transgender na mambabatas sa bansa ang pagsasa-legal ng diborsiyo sa Filipinas sa pagbubukas ng ika-17 Kongreso sa nalalapit na Hul-yo 25.

Ayon kay Bataan representative Geraldine Roman, makatutulong ang legalisasyon ng diborsiyo para mapalaya ang mag-asawang nasadlak sa relasyong wala nang pag-asa.

“I’m in favor of giving a second chance (to married couples). We have to face the fact that there are relationships that already have no hope,” wika ni Roman sa panayam ng media.

“I want a possible solution for people who are totally incompatible so they can remake their lives and pursue their happiness. I think they also have a right to do that,” dagdag niya.

Ipinaliwanag ng bagong kinatawan ng Bataan na maaaring makatulong ang pamahalaan para palayain ang mga taong hindi makalaya sa pag-aasawang sumama dahil sa iba’t ibang kadahilanan.

Ang Filipinas ang nag-iisang bansa sa mundo, bukod sa Vatican, na hindi pa legal ang diborsyo. Kamakailan lang naisabatas ng Kongreso ang Reproductive Health bill na mariing tinanggihan ng Simbahang Katoliko.

Ayon sa 49-anyos Kongresista, ang kanyang panalo sa halalan ay nangangahulugang tanggap na ng lipunang Pinoy ang komunidad ng mga lesbian, gay, bisexual and transgender (LGBT). Bukod sa diborsiyo, itutulak din umano ni Roman ang Anti-Discrimination Bill na magbibigay ng pantay na karapatan sa mga LGBT sa eskuwelahan, trabaho, pagsisimula ng negosyo o pagkuha ng lisensiyang pampropes-yonal. Bukod dito, maghahain din siya ng panukalang batas para sa civil union ng mga same-sex partner na nasa lo-ving relationship, at gayon din ang Gender Recognition bill para sa mga transgender para legal na mapalitan ang kanilang birth certificate na nakasaad ang kanilang awtentikong gender identity.

Ama ni Roman ang yumaong Bataan lawmaker na si Antonino Roman habang ang kanyang ina  naman na si Herminia ang outgoing representative ng kanyang distrito.

ni Tracy Cabrera

About Tracy Cabrera

Check Also

Krystall Herbal Oil, mosquito bite, Kagat ng lamok

‘Papak ng lamok’ sa Dengue season pinahina ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Krystall herbal products

OFW tuwang-tuwa sa mga pabaon na produktong Krystall ng FGO

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sister Fely Guy Ong, Ako po ay …

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

Dr. Teresita A. Tabaog, Regional Director of the Department of Science and Technology Region 1 …

Hotel Sogo NCIP MOU Signing

Hotel Sogo and NCIP Forge Partnership to Support Indigenous Communities

A Memorandum of Understanding (MOU) was signed between the Hotel Sogo and National Commission on …

NIVEA South Korea

Nivea’s 10 out of 10 care celebration continues, empowering you to embrace your glow

NIVEA, your trusted skin care partner, recently marked a significant milestone in its commitment to …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *