Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gilas suki ng Turkey

NALASAP ng Gilas Pilipinas ang pangalawang kabiguan sa kamay ng Turkey.

Pero ipinakita ng Gilas ang malaking improvement sa kanilang trainings matapos matalo lang ng walong puntos sa Turkey, 76-84 sa final tuneup nila sa MOA Arena para sa FIBA Olympic Qualifying Tournament na gaganapin dito sa bansa sa Hulyo 5-10.

Sa unang tuneup, kinawawa ng Turkey ang mga Pinoys, 103-68 pero sa pangalawang paghaharap ay nakitaan ng determinasyon ang national players.

Namuno sa opensa ng Ginals si Andray Blatche na may 20 points, seven rebounds, five assists, two steals at block habang nag-ambag si Terrence Romeo ng 16 kasama ang 3-pointer para tapyasin ang hinahabol ng Pinoy sa anim na puntos.

Nag-ambag din si Jayson Castro ng 13 at 10 ang dinagdag ni Gabe Norwood.

May 16 si Ali Muhammed at 13 kay dating NBA player Semih Erden para sa matatangkad na kalaban.

Nakaranas humawak ng manibela ang mga Pinoys sa first canto, 20-19 pero naagaw din sa kanila sa second period.

( ARABELA PRINCESS DAWA )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Arabela Princess Dawa

Check Also

Aleah Finnegan SEAG

Finnegan nasungkit ang pangalawang ginto sa SEA Games

BANGKOK — Muling pinatunayan ni Paris Olympian Aleah Finnegan na siya ang pinakamakinang na bituin …

Justin Kobe Macario SEAG

Macario, unang gintong panalo ng PH sa Thailand SEA Games

BANGKOK – Inihatid ni Justin Kobe Macario ang unang ginto para sa Pilipinas sa Southeast …

PH Womens Ice Hockey SEAG

PH Women’s Ice Hockey, Optimistiko sa SEA Games Gold Kahit Talo sa Thailand

BANGKOK — Naniniwala ang Philippine women’s ice hockey team na mayroon pa rin silang tsansa …

Godwin Langbayan Rajae Dwight Del Rosario SEAG

Godwin Langbayan, Nag-uwi ng Bronze sa Jiu-Jitsu Fighting Class ng SEA Games

BANGKOK — Tinalo ni Godwin Langbayan si Rajae Dwight Del Rosario, 21-16, sa isang all-Filipino …

PH taekwondo jins Poomsae SEAG

PH taekwondo jins, nasungkit ang silver sa men’s Poomsae team sa SEA Games

BANGKOK – Nakakuha ng unang silver medal para sa bansa ang mga Filipino taekwondo jins …