NAGHAIN si Sen. Panfilo Lacson ng panukala na naglalayong parusahan ng kamatayan ang sino mang masasangkot sa heinous crimes.
Sinabi ni Lacson, panahon na para muling ipatupad ang RA 7659 o ang Death Penalty Law.
Kasunod ito sa mabilis na pagtaas ng kasuklam-suklam na krimen na aniya’y nakaaalarma na.
Kaakibat daw kasi nang paglobo ng heinous crimes ang pagtaas din ng bilang ng mga namamatay na tao na nakaaapekto sa ginagawang hakbang ng pamahalaan patungo sa ‘sustainable economic development’ at kasaganaan.
Kabilang sa mga natukoy ni Lacson na maituturing na heinous crimes ay human trafficking, illegal recruitment, plunder, treason, parricide, infanticide, rape, qualified piracy at bribery, kidnapping at illegal detention, terrorism at drug-related cases, at iba pa.