Monday , December 23 2024

2 NPA patay sa enkwentro sa N. Cotabato

 

KORONADAL CITY – Inaalam ang pagkakilanlan ng dalawang kasapi ng rebeldeng New People’s Army (NPA) na namatay sa magkasunod na enkwentro sa bayan ng Magpet, North Cotabato kamakalawa.

Ayon kay Captain Danny Boy A. Tapang, civil military operations officer ng 39th IB, Philippine Army, nakasagupa ng mga sundalo ang hindi pa malamang bilang ng mga rebelde dakong 4:40 am kamakalawa sa Sitio Lucuakon, Brgy. Balite at agad nasundan sa Sitio Boay-boay, Brgy. Basak sa nabanggit na bayan.

Ayon kay Tapang, ipinaalam sa kanila ng mga residente sa lugar ang presensiya ng mga armadong grupo na nananakot at nagsasagawa ng extortion activities kaya’t nagsagawa ng operasyon ang mga sundalo ng 39th IB.

Naging matagumpay ang nasabing operasyon na nagresulta sa pagkamatay ng dalawang hindi pa nakikilalang mga rebelde at pagkarekober ng isang high powered firearm, 19 improvised explosive devices (IEDs) at subersibong mga dokumento.

Walang nasugatan sa panig ng mga sundalo sa nasabing insidente.

About hataw tabloid

Check Also

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *