Saturday , January 11 2025

Drug lords sa Bilibid tatapusin na (It’s your time to rest and die — Duterte)

NAGBABALA si Pangulong Rodrigo Duterte, bilang na ang oras ng mga druglord na pasimuno ng laboratoryo ng shabu sa New Bilibid Prisons sa Muntinlupa City.

Sinabi ni Duterte sa kanyang talumpati sa Change of Command ceremony sa Armed Forces of the Philippines (AFP) kahapon sa Camp Aguinaldo sa Quezon City, isang malaking insulto at kahihiyan sa gobyerno na sa Bilibid nagmumula ang supply ng ilegal na droga.

“Saan ka makakakita na ang trafficking ng drugs ay galing sa Bilibid? Magbilang kayo ng oras. Ayoko ng araw,” ayon sa Pangulo.

Binigyang-diin niya, ang kanyang administrasyon ay magiging malupit sa paglaban sa korupsiyon, ilegal na droga at kriminalidad.

Magugunitang ilang beses nang sinalakay ng mga awtoridad ang maximum security compound sa NBP at natuklasang dito ay may laboratoryo ng shabu, matataas na kalibre ng armas na kontrolado ng ilang drug convicts na namumuhay nang marangya sa loob ng Bilibid.

Nauna nang napaulat, sa pagpasok ng administrasyong Duterte ay 1,000 kagawad ng Special Action Force (SAF) ang magbabantay sa NBP kapalit ng mga kawani ng Bureau of Corrections (Bucor).

Magiging magkatuwang ang AFP at pulisya sa operasyon laban sa illegal drugs.

Batay sa executive order na nilagdaan ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, ang illegal drugs ay banta sa pambansang seguridad.

( ROSE NOVENARIO )

Banta sa Bilibid drug lords
IT’S YOUR TIME TO REST AND DIE — DUTERTE

‘THERE’S always a time for you to be in control even if you are inside the prison. But there is always a time to rest and to die. Ganoon ang buhay. As you are born, there’s also death,” babala ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga drug lord sa New Bilibid Prisons na sinasabing nagluluto ng shabu sa loob ng piitan.

Kaugnay nito, inatasan ni Pangulong Duterte ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na tumulong sa kampanya laban sa kriminalidad lalo sa ilegal na droga.

Ginawa ni Pangulong Duterte ang pahayag kasabay ng Assumption of Command ni bagong AFP Chief of Staff Ricardo Visaya sa Kampo Aguinaldo.

Sinabi ni Pangulong Duterte, maging ang mga sundalong nakabakasyon daw mula sa Mindanao o Visayas ay maaaring sumama sa pagtugis ng drug lords.

Ayon kay Duterte, uunahin niyang tapusin ang lutuan ng shabu sa loob ng New Bilibid Prions (NBP) dahil labis daw nakaiinsulto at nakasusuka na.

Inihayag ni Duterte, may panahon ang lahat, kabilang ang panahon ng drug lords na kumita ng pera, insultuhin ang batas at magawa ang gusto kahit nasa kulungan, pero mayroon din panahon para sila’y magpahinga at mamatay.

“These are the things that we have to stop and that is why I said I would be harsh, not cruel but I would be harsh and wala akong tolerance sa droga. Zero. So ‘yan ang laban natin ngayon. Kayong nagbakasyon dito from the fields in Mindanao and in the Visayas. You might want just to join the hunt for them. We will eliminate the drug lords once and for all. We have to stop this practice sa Bilibid,” ani Pangulong Duterte.

“Bitawan na ninyo ‘yan o kainin na ninyo ngayon ang supply ninyo. Nawala na talaga ang pasensiya ko sa inyo. Iniinsulto ninyo kami. Hinuli ko nga kayo sa Davao kasi nagluluto kayo ng shabu. Hindi ko kayo pinatay dahil magagalit ang [Commission on] Human Rights. Dinala ko kayo riyan sa Muntinlupa after conviction at pagdating diyan nagluluto na naman ng shabu. Anong klase? Noon kasi ‘di ako presidente, ngayon well, we’ll just have to make some adjustment. You know there is always a time for everything. There’s always a time for you to make money and make a mockery out of our  laws. There’s always a time for you to be in control even if you are inside the prison. But there is always a time to rest and to die. Ganon ang buhay. As you are born, there’s also death,” dagdag ni Duterte.

P10-M SIGNAL JAMMERS ILALAGAY SA NBP — DOJ CHIEF

AGAD nagpakitang gilas si Department of Justice Secretary Vitaliano Aguirre II sa kanyang pag-upo bilang pinuno ng kagawaran.

Sa kanyang pagsasalita sa harap ng mga empleyado ng DoJ, inihayag niya ang ilang gagawing mga pagbabago sa ahensiyang pamumunuan.

Partikular na pagtutuunan ng pansin ni Sec. Aguirre ang New Bilibid Prison (NBP).

Ayon sa kalihim, may nahanap siyang donor mula sa bansang Israel na lulutas sa problema ng droga sa Bilibid.

Sinabi ni Aguirre, P10 milyon halaga ng signal jammers ang ilalagay sa NBP.

Si Brig. Gen. Alexander Balutan ang irerekomendang Bureau of Correction chief ng justice secretary.

Bukod sa PNP Special Action force, plano rin ng kalihim na mag-deploy ng Marines personnel na magbabantay sa loob ng NBP.

About Rose Novenario

Check Also

Rank no 9 MWP ng Laguna arestado

Rank no. 9 MWP ng Laguna arestado

NADAKIP ang lalaking nakatalang pangsiyam na most wanted person sa provincial level sa isinagawang joint …

Arrest Shabu

3 high-value drug pusher sa Pampanga tiklo P.68-M shabu nasabat

NASAKOTE ng mga awtoridad ang tatlong nakatalang high-value individuals (HVI) at nasamsam ang tinatayang 100 …

Sa anti-crime drive ng Bulacan PNP 17 TIMBOG, P80-K DROGA NASABAT

Sa anti-crime drive ng Bulacan PNP
17 TIMBOG, P80-K DROGA NASABAT

ARESTADO ang 17 indibiduwal na binubuo ng pitong personalidad sa droga, pitong wanted na kriminal, …

4 NBI employees, 7 fixers inaresto sa NBI clearance center

4 NBI employees, 7 fixers inaresto sa NBI clearance center

ALINSUNOD sa atas ni National Bureau of Investigation (NBI) Director (ret) Judge Jaime B. Santiago …

SM Foundation PRC FEAT

SM Foundation, PRC Qc Chapter join hands to establish clinical laboratory

PRC QC Chapter Gov. Ernesto S. Isla, SMFI Executive Director for Health & Medical Programs …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *