AGAD nagpakitang gilas si Department of Justice Secretary Vitaliano Aguirre II sa kanyang pag-upo bilang pinuno ng kagawaran.
Sa kanyang pagsasalita sa harap ng mga empleyado ng DoJ, inihayag niya ang ilang gagawing mga pagbabago sa ahensiyang pamumunuan.
Partikular na pagtutuunan ng pansin ni Sec. Aguirre ang New Bilibid Prison (NBP).
Ayon sa kalihim, may nahanap siyang donor mula sa bansang Israel na lulutas sa problema ng droga sa Bilibid.
Sinabi ni Aguirre, P10 milyon halaga ng signal jammers ang ilalagay sa NBP.
Si Brig. Gen. Alexander Balutan ang irerekomendang Bureau of Correction chief ng justice secretary.
Bukod sa PNP Special Action force, plano rin ng kalihim na mag-deploy ng Marines personnel na magbabantay sa loob ng NBP.