Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
dead gun police

Mag-asawa niratrat, mister patay (Sa Cagayan)

TUGUEGARAO CITY – Iniimbestigahan ng pulisya kung may kinalaman sa negosyo ang pamamaril sa mag-asawa sa bayan ng Solana, Cagayan kamakalawa.

Sinabi ni Chief Inspector Santos Baldovizo, hepe ng PNP Solana, namatay sa insidente si Fortunato Castillo dahil sa apat tama ng bala ng baril sa dibdib at tiyan, habang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang misis ng biktima na si Marieta Castillo, residente ng Brgy. Parog-parog.

Ayon kay Baldovizo, batay sa kanilang inisyal na imbestigasyon, may kausap ang mag-asawa na dalawang lalaki para rentahan ang kanilang baboy na lalaki para sa pagpapalahi.

Pumayag ang mag-asawa kaya isinakay ang baboy sa sasakyan para dalhin sa lugar na sinabi ng mga suspek sa Brgy. Nambutuan.

Ayon kay Baldovizo, nauna ang mga suspek sakay ng motorsiklo nang bigla silang tumigil at hinintay ang mag-asawa.

Sa puntong ito ay pinagbabaril ng mga suspek ang mag-asawa.

Hindi nakilala ng mag-asawa ang mga suspek dahil habang kausap nila ay kapwa naka-helmet ang mga salarin.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia

Goitia: Gawang-Pilipinas na COBRA System, Hudyat ng Bagong Yugto sa Pambansang Depensa

Ang pag-turn over ng gawang-Pilipinas na Controller Operated Battle Ready Armament (COBRA) automated weapon system …

fake news

Walang pasok sa 26 at 29 Nobyembre fake news — Recto

FAKE NEWS ang Memorandum Circular 47 na nagsasabing walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno …

Money Bagman

AICS ng DSWD ‘kinupitan’ 14 barangay execs sinampahan ng kaso

NAGHAIN ng reklamo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Office of the …

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …