Thursday , December 19 2024
PANGIL ni Tracy Cabrera

Sapat na ang Davao Death Squad

If Jesus had been killed twenty years ago, Catholic school children would be wearing little electric chairs around their necks instead of crosses. — Lenny Bruce

PASAKALYE: Alam kaya ng mga opisyales at jail guard ng Manila City Jail na may ilang mga dalaw na nagagawang magpasok ng droga para ibigay sa kanilang dinadalaw na asawa o kamag-anak?

Ayon sa ating impormante, itinatago raw ng isang dalaw ang shabu sa kanin na ibinibigay sa kanyang mister na tulak.

Teka…  lumang tugtugin na ‘yan a!

Balita pa nga sa atin ay nagpaano iyong babae sa isang pulis para malayang makadalaw sa kanyang asawa…

Sa ganang amin dito sa Pangil, hindi na kailangan pang ibalik o muling pairalin ang parusang kamatayan.

Hindi nga ba ang pangulo natin ngayon ay si President Rodrigo ‘Digong’ Roa Duterte ng Davao City?

Sapat na siguro ang pangako niyang lilipulin ang mga kriminal, partikular na ang mga drug lord, dahil salot sila sa ating lipunan.

Bukod dito, sapat na rin siguro na magkakaroon ng mga ‘death squad’ na papatay sa masasamang-loob para maging tahimik at crime-free ang mga komunidad.

Kaya… ano pa’ng silbi ng death penalty?

Sabik sa susunod na kabanata

SABI ni Pangulong Duterte sa mga Amerikano, “Are you with us or are you not with us?” Tanong niya kay US Ambassador Philip Goldberg kapag nagkaroon ng digmaan laban sa China. Ang sagot naman ng US ambassador, “Only if you are attacked.”

Kapag pala ginigiyera na tayo ng China roon lamang sila tutulong sa atin. Kaya pala walang silang kakibo-kibo nang gumawa na ng isla ang mga Intsik sa West Philippine Sea. Wala silang ginawang hakbang na mapigilan nila ang pagpapagawa ng mga Intsik ng mga isla at gawing paliparan. Doon lamang sila nangamba nang matapos na ang konstruksiyon ng mga isla. Na ang sapantaha nila ay gagawing military garrison ang mga isla. Tapos nakikialam na sila sa pangambang mawawala na ang freedom of navigation at magdedeklara na ang Intsik ng Air Defense Identification Zone (ADIZ) sa karagatan ng West Philippine Sea or sa South China Sea.

Gusto yata ng US ay makipagdigmaan tayo sa China. Kaya nasabi tuloy ni Pangulong Duterte, “Why would I go to war?  I will not waste the lives of my people there.” Napahiya siguro itong si US Ambassador Philip Goldberg. Hindi niya sukat akalain na sasagutin siya ng ganoon.  Ang siste pa nito hinamon ni Pangulo ang ambassador, ang sabi niya, “Can you match the offer? Because if you cannot match the offer, I will accept the goodwill of China.”

Abangan natin ngayon ang susunod na hakbang ni Pangulong DUTERTE pag nailabas na ang hatol ng International Arbitration Tribunal. Tunay ngang kasabik-sabik ang mga susunod na kabanata. — Roy A. Dela Peña ng San Pedro, Laguna (roydela888@gmail, Hunyo 23, 2016)

Nagpapasalamat kay P-NOY

Magpasalamat pa rin tayo kay President Benigno Aquino dahil hindi madali maging lider ng anim na taon sa bansa na maraming kinakaharap na problema.

Sa kahit na saang kasaysayan ng mundo walang naging perpektong pangulo kaya sa halip na patuloy na siraan si President Aquino sa kanyang pagbaba sa puwesto ay pasalamatan natin siya. ‘Yung mga nagawa niya sa bansa ang ating bigyan ng pansin katulad ng mga politiko o nasa posisyon na nakulong dahil sa kuropsiyon sino ang mag-aakala na walang sisinohin ang kanyang administrasyon sa pagpapakulong sa matataas na opisyal na ginamit ang kanilang kapangyarihan para mangulimbat sa kaban ng bayan. Natugunan rin ng kanyang Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps na kahit papaano ay maka-survive sa pang-araw-araw na pamumuhay ang mahihirap nating kababayan. Idagdag pa ang modernisasyon ng Armed Forces para masigurong mapoprotektahan ang soberanya at teritoryo ng ating bansa. Totoong marami pang dapat ayusin sa Filipinas kaya nga pumili tayo ng susunod na pangulo na maaaring makagawa nito. Ibinoto man natin o hindi si President Aquino at President elect Rody Duterte ay  suportahan na lang natin ang mga proyekto na kanilang ginawa at magagawa pa. — Fernando Galang ([email protected], May 28, 2016)

* * *

PARA sa inyong komento o suhestiyon, reklamo o kahilingan, magpadala lamang ng mensahe o impormasyon sa aking email na [email protected] o dili kaya’y i-text n’yo na lang ako sa aking cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 0939122568 para sa Smart. Salamat po!

PANGIL – Tracy Cabrera

About Tracy Cabrera

Check Also

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa 3.6-M SSS pensioners, May 13th month naaaaa!!!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IKAW! Oo, ikaw my dear friend, isa ka ba sa 3.6 …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …

Firing Line Robert Roque

Pagod na sa daluyong — kahit pa nasa tasa

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MAKALIPAS ang 10 araw sa detension, pinalaya na nitong …

Dragon Lady Amor Virata

Bayaw vs hipag for P’que city mayor

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MAGBABALIK si formermayor and congressman Edwin L. Olivarez sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *