MAY mga reaksiyon akong natanggap sa mga klasmeyts natin na nakausap ko hinggil sa nabasa nila dito sa ating kolum kahapon na naglalaman ng kasagutan mula sa tanggapan ng PHILRACOM (Philippine Racing Commission).
Ang laman ng liham ay wala silang nakitang pagkakamaling nagawa ni apprentice rider M.B. Pilapil nang matalo ang sinakyan niyang outstanding favorite na si Ariston nung Hunyo 15, 2016. Para sa akin kung talagang walang nakita sa narebyu, nais kong magpasalamat sa inyong pag-aksiyon. Wala rin tayong masamang tinapay kay M.B. Pilapil dahil mahusay naman siya at dumarami pa ang kanyang mga tagahanga.
Ang hindi lang nagustuhan ng mga nakabasa kahapon ay ang parte ng liham na may linyang “The Commission took into consideration the fact that MB Pilapil is an apprentice rider and still lacks the experience and skills required in close-fought races like this”. Kumbaga daw ay porket isang apprentice rider pa lang at wala pang gaanong experience sa mga ganyang labanan ay pagbibigyan o mapapatawad? Eh paano iyan, sa dami ng apprentice jockeys sa kasalukuyan ay baka madalas na nilang magamit ang ganyang dahilan?
Anyway, kapag ganyan ang dahilan ng isang apprentice o bagong hinete ay dapat sigurong balikan ang pinanggalingang iskuling. Kumbaga ay mas lawakan at dagdagan pa ang itinuturo ng mga instructor sa kanilang mga estudyante, na hango sa kanilang experience sa pananakay. Sa mga estudyante naman na nasa jockeys academy ay search lang sa google at youtube kung kayo’y nabibitin sa mga turo, dahil kinabukasan ninyo ang nakasalalay diyan sa unang pagkakataon. Saka na isaisip iyong pag-aabroad, kapag kayo ay nabiyan na ng lisensiya bilang propesyonal na hinete. Okidoks.
Bago largahan ang unang takbuhan ay idaraos din sa ganap na ikalima ng hapon ang 2YO “PCSO Trial Race” na kinabibilangang kabayo nina (1) Stravinsky ni Unoh Hernandez, (2) Amazing Cole ni Jordan Cordova, (3) Street Sign ni Apoy Asuncion, (4) Foolish Princess ni Jeff Zarate, (5) Magic Wallet ni Miles Pilapil at (6) Kid Solis ni Bodjie Henson.
Agahan na magtungo sa inyong paboritong OTB upang mapanood ang labanan ng mga promising 2YO na iyan.
REKTA’s GUIDE (Sta. Ana Park/6:00PM) :
Race-1 : (4) Winning Move, (5) Corragioso.
Race-2 : (2) Coron Island, (1) Princess Ellie, (3) Lady Leisure.
Race-3 : (1) Reconstruction, (7) Mr. Noble.
Race-4 : (4) Dainty Gal, (5) Jazz Goldheart, (6) Yani’s Song/Fire Gypsy.
Race-5 : (6) Angel Brulay, (2) Pearlescence, (4) Minotaur.
Race-6 : (6) Windy Star, (5) Wise Ways.
Race-7 : (2) Musashi, (4) Kimagure.
Race-8 : (9) Mainscore Sunspots, (6) Swerteng Lohrke, (5) Blue Eagle.
REKTA – Fred Magno