Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Duterte cabinet nagpakitang gilas sa 1st off’l meeting

PORMAL nang nagsimula ang trabaho hindi lamang para kay President Rodrigo Roa Duterte, ngunit maging sa kanyang itinalagang Cabinet secretaries.

Kahapon din ginawa ang kauna-unahang pulong ni Duterte sa 28 miyembro ng kanyang gabinete.

Unang nagbigay ng kanyang ulat kay Duterte ay si National Disaster Risk Reduction and Management Council director Ricardo Jalad.

Ang nasabing pagpupulong ay isinagawa ilang oras pagkatapos manumpa sa panunungkulan si Duterte bilang pangulo ng bansa.

Live itong ipinalabas sa media local TV stations sa bansa.

Bukod kay Jalad, dumalo rin sa pagpupulong sina Social Welfare Secretary Judy Taguiwalo; Executive Secretary Salvador Medialdea; Cabinet Secretary Leoncio “Jun” Evasco; Finance Secretary Carlos “Sonny” Dominguez III; Budget Secretary Benjamin Diokno; Defense Secretary Delfin Lorenzana; Interior Secretary Mike Sueño; Foreign Secretary Perfecto Yasay Jr.; Justice Secretary Vitaliano Aguirre II; at iba pa.

Kita ng PAGCOR ilalaan sa health services — Digong

IPAGAGAMIT ni bagong Pangulong Rodrigo Duterte ang kita ng Pagcor sa health services ng bansa.

Ginawa ni Pangulong Duterte ang pahayag sa kauna-unahang Cabinet meeting na kanyang ipinatawag makaraan ang inagurasyon.

Sinabi ni Pangulong Duterte, maraming Filipino ang hindi kayang bumili ng gamot lalo kapag umabot na ng libong piso.

Ayon kay Duterte, dahil sa sugal naman galing ang kita ng Pagcor, mas mabuting ilaan na lamang ito sa pangangalaga ng kalusugan ng mahihirap.

Makaaasa aniya ang taongbayan na hindi ito maaabuso at hindi malalagay sa katiwalian ang pondo ng Pagcor.

Online gaming ipinakakansela ng pangulo

IPINAKAKANSELA ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) Chairman Andrea Domingo ang prangkisa ng lahat ng online gambling sa bansa.

Sinabi ni Duterte sa kauna-unahang cabinet meeting kahapon, walang nakukuhang kita ang gobyerno sa online gambling.

Sinabi ni Duterte, wala namang nakukuhang  pakinabang ang gobyerno at walang buwis na  nakukuha sa mga nagpapatakbo ng online gambling.

Isa ang sugal sa mga nais ni Duterte na matigil sa bansa  bukod sa adbokasiya na maalis ang korupsiyon, kriminalidad at sugpuin ang ilegal na droga.

Magkakaroon  aniya  ng  hotline ang gobyerno  para  maging sumbungan ng  bayan laban sa  mga  kawani ng  gobyerno na  hindi ginagawa  ang  kanilang  trabaho.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …