Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Joseph, nagpapayat para kay Alex

00 fact sheet reggeePRESENT din sa nasabing fashion show ang aktor na si Joseph Marco pero hindi bilang modelo kundi bilang audience at kasama niya ang magkapatid na Arjo at Ria Atayde para panoorin ang pagrampa ng bunsong anak nina Art Atayde at Sylvia Sanchez na si Xavi.

Napansin kaagad naming maigsi at pumayat nang husto si Joseph kaya tinanong namin na anong nangyari at hindi niya bagay ang bagong hitsura.

“Para po sa movie namin ni Alex (Gonzaga), kailangan ko pong mag-trim down,” sabi ng aktor.

Bukod pala sa pelikula nina Joseph at Alex, kasama rin ang aktor sa susunod na pelikula ni Kiray Celis at makakasama niya ang Pasion de Amor boys na sina Jake Cuenca at Ejay Falcon.

Ang taray ni Kiray, huh? Pagkatapos ni Derek Ramsay sa Love Is Blind ay may Enchong Dee na I Love You To Death na ipalalabas na sa Hulyo 6 ay heto at may follow-up na naman siya with Joseph, Ejay, at Jake kaagad?

Natawa naman si Joseph ng sabihin naming, ‘ang ganda-ganda ni Kiray ha, ang guguwapo ng leading man niya.’

Walang regular TV show si Joseph ngayon sa ABS-CBN kaya puwede siyang gumawa ng pelikula sa ibang movie outfit.

Kaya ang saya ng aktor dahil may project siya at nabanggit niyang hindi pa pala siya nakagagawa ng pelikula sa Star Cinema maliban sa Talk Back and You’re Dead na co-produce naman ng Viva Films.

Katwiran ng aktor, “baka po hindi pa time, at saka marami po kasing artista ang ABS, siguro one at a time. Willing naman po ako maghintay.”

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …