Friday , November 22 2024

Bago pa lang may kinikilingan na

INUNAHAN na ni Tom Basilio na parematehin ang kanyang dala na si Humble Heart, kaya bago pa man makapag-pakawala iyong mga kalaban nilang may remate rin ay medyo nakalayo na silang dalawa. Pumangalawa sa kanila ang galing din sa likuran na si Hello Gorgeous, habang tumersero naman si Peypaluc. Ang naging top choice sa bentahan na si Zaphia ay kinulang pa, kaya pagpasok sa huling diretsahan ay nilagpasan siya ng walang anuman nung tatlong nauna.

Sa kasunod na takbuhan ay muling nakita ang husay at sipag ni apprentice rider Wilden Delfin na pumatnubay sa kabayong si Dauntless, kaya hindi malayong isa siya sa mga top jocks na kikilalanin. Sumegunda ang inabot lang sa meta na dehadong si Showoff, na talaga namang sinalikwat at nabilad tuloy kaya sa sunod na takbo ay aabangan na siya. Iyong alahok na si Enchanted ay tila natabangan ako sa nagawang pagdadala sa kanya ni apprentice R.A. Base. Sa puntong iyan ay naging usapin na tuloy si hinete, dahil kaya daw kulang ang pag-ayuda ng husto sa ibabaw ni Base ay dahil sa ang nangunguna ay iyong kakuwadra na sasakyan niya sa ikaapat na karera. Ang kakuwadrang tinutukoy nila ay iyong nanalong kabayong sa ikaapat na karera na si Pure Joy. Ala-eh kay bago pa lang may kinikilingan na at kung nataon na hindi inabutan si Showoff ay paniguradong mas pure ang joy nila.

Oh ayan mga klasmeyts, karagdagang aral iyan na may mga hineteng mas may kinikilingan kapag magkasabay sila sa iisang karera lang. Hindi masama ang ganyang may kinikilingan, pero paano naman ang mga mananaya at industriya ng karera sa ating bansa. Kapag palaging ganyan ay nagiging marumi tuloy ang industriya at higit sa lahat ay nanloloko kayo ng kapwa ninyo. Mga klasmeyts, sa usaping iyan ay palaging unahin ang pangalan ng mga tao na nasa hawak ninyong programa, kesa yung mga pangalan ng kabayo na tatayaan. Okidoks.

REKTA’s GUIDE (Metroturf) :

Race-1 : (3) Golden Empire, (4) Giant Rainbow, (1) Hidden Moment.

Race-2 : (5) La Loma Queen, (4) Fine Bluff, (6) Attila.

Race-3 : (1) Smart Tony/Shining Mountain, (6) Goldbar, (7) Lu Fei.

Race-4 : (2) Princess Aachen, (4) Azarenka.

Race-5 : (5) Charm Away, (2) Sydney Boy, (1) Lakewood.

Race-6 : (1) Faitfully/Moderne Light, (5) Persian Princess.

Race-7 : (6) Dream Of Mine, (4) Facing The Music, (5) Princess Tin.

Race-8 : (8) Role Model, (12) Cool Humie, (3) Muscovado.

REKTA – Fred Magnof

About Fred Magno

Check Also

ASICS Rock n Roll Running Series Manila lalarga na

ASICS Rock ‘n Roll Running Series Manila lalarga na

TINALAKAY ni Princess Galura, President at General Manager ng Sunrise Events Inc., bahagi ng IRONMAN …

MILO Accelerates Grassroots Sports Efforts, Aims to Engage 3 Million in 2025

MILO® Accelerates Grassroots Sports Efforts, Aims to Engage 3 Million in 2025

Manila, Philippines, 18 November 2024 – MILO® Philippines is set to ramp up its efforts …

Zeus Babanto Combat sports championship

Combat sports championship, nakatakda sa pebrero 2025

NAGSAMA-SAMA ang ang mga kilalang tao sa mundo ng martial arts upang ipagdiwang ang kahanga-hangang …

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

QUEZON CITY — Nakatakda na ang lahat para sa pagtulak ng Victoria Sports Club open …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *