Thursday , December 19 2024

Oplan: Pakilala ng PNP

I came from a real tough neighbourhood. Once a guy pulled a knife on me. I knew he wasn’t a professional, the knife had butter on it.

— Rodney Dangerfield

PASAKALYE: Halos kalahati ng naitalang napatay sa mga police anti-drug operation mula Enero 1 hanggang Hunyo 15 ngayong taon ay naganap makaraan ang halalan noong Mayo 9 nang lumitaw na nangunguna si Davao City mayor Rodrigo Roa Duterte.

Kilala ang alkalde sa kanyang uncompromising style sa paglaban sa mga drug pusher at sindikato, maging sa mga kriminal at tiwaling opisyal ng pamahalaan.

Sa talaan, mahigit 70 na ang napapatay at mahigit 17,000 indibiduwal ang naaresto sa binansagang intensified anti-illegal drugs campaign ng Philippine National police (PNP).

MAAARI rin natin tawagin ang nasabing kampanya ng PNP laban sa droga bilang OPLAN: PAKILALA.

Bakit ‘ka n’yo?

Nagtataka lang kasi ang inyong lingkod kung bakit ngayon lang nila nagawang hulihin ang napakaraming indibiduwal na sinasabing sangkot sa illegal drug trade habang napatay din nila ang 70 pinaghihinalaang mga drug pusher at kriminal.

Bakit ngayon lang?

Marahil ay nagpapakilala na ang ilang mga opisyal ng pulisya dahil baka sa pag-upo ni Pangulong DIGONG ay makitang wala silang accomplishment pero ngayon ay nagpapakita sila ng gilas para mapansin at ma-promote o ‘di kaya’y hindi maperder.

Tama po ba?

Habulin at sampahan ng kaso

SA pag-upo ng administrasyong DUTERTE, dapat po ay habulin at sampahan ng kaso ang mga sangkot sa paglalabas ng pondo ng disbursement acceleration program (DAP) na ginamit lang kuno para panuhol sa mga senador na bumoto para i-impeach lang si dating Chief Justice Renato Corona, na ang mastermind ay sina Secretary Butch Abad, Sen. Big Man Drilon. Kabilang din si P-Noy. At maging ang mga kaalyado (niya) na mga senador at tong-gressman na naglustay ng pondo ng kanilang PDAF ay dapat din usigin… — Anonymous (+639430988030, Mayo 26, 2016)

Ang daming adik sa Kongreso

IF DUTERTE is really serious about his campaign versus drugs, he should not look farther. Ang daming adik sa Kongreso. Unahin niya si FARIÑAS—he is not just a drug abuser, he is also a perennial balimbing! Don’t forget Ms. CARLSON. — Anonymous (+639984185529, Mayo 30, 2016)

Dapat sa K-to-12 at Munti

KA Tracy, dapat sa K-to-12… isulong din ang epekto sa alak, sigarilyo at shabu sa katawan ng tao, sa mga mag-aaral at kung puwede, dapat may foreign language (na) dapat ituro sa mga mag-aaral para mas maganda! Suggestion lang po!

At sana makarating sa bagong direktor sa Muntinlupa ang pag-reshuffle ng mga drug lord na nakakulong sa Muntinlupa! Salamat po. — Ka Armando, Lambat Sibat volunteer (Cagayan Chapter) ng Ugac Sur, Tuguegarao City (+639263228500, Hunyo 16, 2016)

* * *

PARA sa inyong komento o suhestiyon, reklamo o kahilingan, magpadala lamang ng mensahe o impormasyon sa aking email na [email protected] o dili kaya’y i-text n’yo na lang ako sa aking cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 0939122568 para sa Smart. Salamat po!

About Tracy Cabrera

Check Also

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa 3.6-M SSS pensioners, May 13th month naaaaa!!!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IKAW! Oo, ikaw my dear friend, isa ka ba sa 3.6 …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …

Firing Line Robert Roque

Pagod na sa daluyong — kahit pa nasa tasa

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MAKALIPAS ang 10 araw sa detension, pinalaya na nitong …

Dragon Lady Amor Virata

Bayaw vs hipag for P’que city mayor

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MAGBABALIK si formermayor and congressman Edwin L. Olivarez sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *