Friday , April 25 2025

Green lalaro sa game 6

PAREHONG matindi ang pakay ng Cleveland Cavaliers at Golden State Warriors, gusto ng huli na tapusin na ang serye habang pahabain muna at makarating sa Game 7 ang nais ng una.

Isa lang ang puwedeng matupad at malalaman yan ngayong araw paglarga ng Game 6 Finals ng 2015-16 National Basketball Association, (NBA).

Tangan ng Warriors ang 3-2 bentahe sa kanilang best-of-seven series, maglalaro na si Draymond Green para sa defending champion Golden State pero paniguradong tatanggap ng masasamang salita mula sa mga fans ng Cavaliers.

Binigyan ng one-game suspension si Green matapos hablutin ang singit ni Cavs superstar LeBron James sa Game 4.

Hindi nakalaro si Green sa Game 5 na isa marahil sa naging dahilan ng pananambak ng Cleveland sa Golden State, duon ay puro alipusta ang ibinato ng fans ng Warriors kay four-time MVP James.

“I have strong belief that if I play Game 5, we win,” pagyayabang ni Green.

Pagkakataon namang bumawi ng Cavaliers fans sa pangangantyaw kay Green dahil sa Quicken Loans Arena ang laban.

Posibleng maging sentro ng GSW si Green dahil may injury si Andrew Bogut at inaasahan din na gagamitin ni coach Steve Kerr si Festus Ezeli para humalili kay Bogut sa starting unit.

“Well, Festus hasn’t had big minutes in this series,” ani Kerr. “He was important in the first couple of games. I think he played nine or ten minutes in each and made an impact. Then his minutes went down in [Games] 3 and 4. But with Bogut out, his minutes will definitely climb, and he gives us a guy who dives hard to the rim on offense and can finish lob dunks and putbacks and that kind of stuff, and really good rim protection. So I feel very confident playing Festus and he’ll play an important role in the rest of the series.”

Paniguradong bakbakan ang masisilayan sa pagitan ng Cavs at Warriors lalo na ngayong magkikita muli sa court sina James at Green.

( ARABELA PRINCESS DAWA )

About Arabela Princess Dawa

Check Also

Philippine water polo junior teams, bronze sa Kuala Lumpur, Malaysia

Philippine water polo junior teams, bronze sa Kuala Lumpur, Malaysia

UMUKIT ng kasaysayan ang Philippine water polo junior teams tampok ang bronze medal ng boys’ …

World Slasher Cup 2025, Muling Babandera sa Ikalawang Edisyon sa Big Dome

World Slasher Cup 2025, Muling Babandera sa Ikalawang Edisyon sa Big Dome

Ang ikalawang edisyon ng World Slasher Cup 2024 ay nakatakdang ganapin mula Mayo 21 hanggang …

Milo Summer Sports Clinics

Milo Summer Sports Clinics

Ang matagal nang isinasagawang MILO Summer Sports Clinics ay inilunsad ngayong taon sa pinakamalaking saklaw …

AVC Petro Gazz talo sa Kaoshsiung Taipower

AVC: Petro Gazz talo sa Kaoshsiung Taipower

NANAIG ang Kaoshiung Taipower ng Chinese, Taipei, 25-15, 25-16, 19-25, 25-20 kontra Petro Gazz Angels sa 2025 …

Taipower nagpasiklab sa pagbubukas ng AVC

Taipower nagpasiklab sa pagbubukas ng AVC

Mga Laro sa Lunes(Philsports Arena) 10 am – VTV Binh Dien Long An vs Baic …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *