Wednesday , August 13 2025

Gabinete ni Digong dating komisyoner sa peacekeepers

THE WHO ang isang magiging gabinete ni incoming President Rodrigo “Digong” Duterte na dati palang commissioner noong nanunugkulan pa siya?

Ayon sa ating Hunyango, akala mo walang baho at santo santito si Sir na itago na lang natin sa pangalang “Hindi Eksakto” or in short HE, sapagkat hindi raw pala eksakto ang ipinasuweldo sa ilang sundalo.

Kuwento sa atin, mistulang si Dracula raw noon si Sir sa mga sundalo. Dugo at pawis ang kanilang itinaya para gampanan ang tungkulin nila bilang peacekeeper ng United Nations (UN).

Bwa har har har har har!

Dracula talaga ha? ‘Di ba puwedeng linta lang?!

Napag-alaman, na nasa 1,200-1,500 US dollars pala ang suweldo ng bawat sundalong na ating ipinadala noon sa iba’t ibang bansa base sa kanilang ranggo.

Ilan lang sa mga bansang pinagdalhan ng ating mga kawal ay sa Haiti at Liberia na nasa 351 personnel at kada isa sa kanila ay kinomisyonan ng damuhong magiging gabinete!

Alam n’yo ba kung magkano ang cut sa suweldo ng mga binukulang sundalo? Basa 200-500 US dollars lang naman. Kumbaga ang nakararating sa kanila ay 1,000 dollars lang!

At ‘wag ka ha, kada suweldo ang komisyon na ‘yan ni HE!

Grrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrr!

Tapos ngayon napili ka pang gabinete!

Yawa uy!

Ikaw na!

Hindi lang makakibo noon ang mga sundalo dahil baka i-recall sila kapag pumiyok sa pananaga ni Sir. Sayang din naman daw kasi, sapagkat  bukod sa suweldo nila sa UN, tuloy pa rin ang sahod nila sa AFP.

‘Yon naman pala e kaya tuloy rin ang komisyon si Sir.

Kunsumiyon ka Sir!

Pero mabait din naman si Sir dahil minsan bumisita siya sa mga peacekeeper natin at nagpamudmod ng tig-200 dollars bawat isa,kumbaga

Pakonsuwelo de bobo!

Bait-bait!

Kilala n’yo na kung sino ‘yan!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Sipat Mat Vicencio

‘Sandok’ ni Imee hindi lumusot kay Atty. Princess Abante

SIPATni Mat Vicencio KUNG makapanlait itong si Senator Imee Marcos, para bang walang kapintasan. Wagas …

Firing Line Robert Roque

Kawalang hustisya, bumida sa pagkamatay ni Gelo

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. HINDI ito ang inaasahan nating kahahantungan ng pagkatalo sa …

Aksyon Agad Almar Danguilan

MMDA Bayanihan Estero Program, suportado ni PBBM

AKSYON AGADni Almar Danguilan BAHA… baha… baha… nakita naman natin na kahit saang sulok ng …

Firing Line Robert Roque

Tiktok ang bahala

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. NAKIPAGTULUNGAN ang Department of Migrant Workers (DMW) sa TikTok …

Sipat Mat Vicencio

Hoy Bato, hindi mo ka-level si Digong!

SIPATni Mat Vicencio KAHIT saan anggulo tingnan at pagbali-baliktarin man ang sitwasyon, hindi maaaring ikompara …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *