Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kiray ‘di nakapagpigil, Enchong hinipuan sa puwet

00 fact sheet reggeeALIW ang tambalang Enchong Dee at Kiray  Celis dahil kung hindi pa tumuntong ang aktres sa platform habang kausap namin sa presscon ng I Love You To Death, tiyak na hanggang kili-kili lang siya ng aktor.

Figuratively ay hindi bagay as loveteam sina Enchong at Kiray, pero literally bagay sila dahil swak ang mga karakter nila sa I Love You To Death bilang komendyana at dramatic actor na may pagka-komedyante on the side.

Anyway, nagpapasalamat si Enchong kay Mother Lily Monteverde dahil ika-10 pelikula niya ang I Love You To Death na kasabay ng pagdiriwang niya ng ika-10 anibersaryo niya sa showbiz.

Sa presscon ay natanong si Enchong kung bakit nahirapan si Kiray sa kissing scene nila at napaiyak pa ang aktres dito?

“Paulit-ulit kami, eh. Kasi, noong una, hindi niya makuha. Parang naiiyak na siya kasi hindi niya magawa eh.

“Naiiyak na siya na parang gusto na niyang matapos. Hindi lang siya sanay, eh,”pagtatanggol ng aktor sa leading lady niya.

Grabe na nga raw ang panunukso kay Kiray ng buong staff ng I Love You To Deathdahil hiniling ni direk Miko Livelo na ulitin ng ulitin at kahit natatawa ang aktor ay hindi niya ipinahalata dahil gusto niyang maging kampante ang dalaga sa kanya.

Hindi naman daw masisisi si Kiray dahil hindi nga sanay gumawa ng kissing scene.

“Medyo awkward noong simula, kasi ‘di ba? Kasi magkaiba kami ng generation, magkaiba kami ng height, pero noong medyo nakapa na namin, ‘yung (kissing scenes) mapapanood n’yo, ‘yun na siguro ang pinaka-perfect.

“Knowing Kiray, kumbaga ’yung mga proyektong ginawa niya, hindi naman romantic, so, bilang ako naman ’yung may experience sa ganoong proyekto, I need to guide her, so, when the time na nao-awkward na siya, tapos inaasar na siya ng crew, hindi ako nagre-react siyempre. I need to show her na naroon ako to support her and I’m her leading man that will guide her,” paliwanag mabuti ng aktor.

At sa tsikang hinipuan siya ni Kiray ganoon din si Enchong. ”Okay lang naman. Matakot ako kung si Kiray na, hindi pa ako hinipuan. In return, pinipisil ko rin ang puwet niya,” natawang sabi ng aktor.

Natanong namin kung hindi ba nagsisisi si Enchong dahil dalawang taon siyang nawala sa showbiz dahil puro lovelife ang inasikaso tapos nauwi rin pala sa wala ang relasyon nila ni Samantha Lewis.

“Hindi naman, ako rin naman ang may gusto kasi tanda mo ‘yung tatlong taong sunod-sunod na hindi ako nawalan ng show? Parang feeling ko, wala na ba akong panahon sa sarili ko? Ito lang ba ang gusto kong gawin? Parang naging routine, kaya sabi ko, gusto ko munang magpahinga at gawin ko naman ‘yung gusto ko.

“So sa two years, nagawa ko naman, nag-business ako, ‘di ba? ‘Yung building, so okay na, tapos may dalawang franchise na ako ng Peri Peri Chicken sa UP Town Center at Megamall tapos may iba pa, so iyon naman ang pinagka-abalahan ko,”paliwang ng binata.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …