Wednesday , May 7 2025

Cavs bumawi sa Warriors

SA pagbubukas ng first quarter ay  inumpisahan agad ni basketball superstar LeBron James ang pagiging agresibo dahilan upang bumanderang tapos ang Cleveland Cavaliers sa Game 3 ng 2015-16 National Basketball Association, (NBA) Finals.

Kumayod si four-time MVP James ng 32 points, 11 rebounds at anim na assists upang tambakan ng Cavaliers ang Golden State Warriors, 120-90 kahapon at ilista ang 1-2 karta sa kanilang best-of-seven series.

Bago nag-umpisa ang laro ay dehado na agad ang back-to-back Eastern Conference defending champion Cleveland dahil bukod sa lubog sa 0-2 ay wala pa si star player Kevin Love.

‘’Coaching staff gave us a great game plan and we executed it for 48 minutes,’’ saad ni  James.

Isang gabi bago ang Game 3, tinawag ni James ang Game 3 na do-or-die.

‘’We’ve got to give the same effort on Friday,’’ wika ni James. ‘’It started defensively and it trickled down to the offensive side.’’

Bumakas si Kyrie Irving ng 30 puntos  at walong assists habang may 20 puntos at apat na boards si J.R. Smith para sa Cavaliers.

Muling ilalaro sa Cleveland ang Game 4 bago lumipat sa Golden State para sa Game 5.

Nanguna sa opensa ng Warriors si two-time MVP Stephen Curry na may 19 markers habang nagtala si Harrison Barnes ng 18 puntos.

( ARABELA PRINCESS DAWA )

About Arabela Princess Dawa

Check Also

Florentino Inumerable

Florentino Inumerable, kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Championships

HINDI lang nagwagi kundi kampeon ang beterano at United States chess master na si Florentino …

Darell Johnson Bada Yukiho Okuma NTT Asia Triathlon Cup sa Subic

Nangibabaw sina Bada ng PH at Okuma ng Japan sa elite junior sa Subic International Triathlon

OLONGAPO City, Zambales – Nakopo ng Pinoy na si Darell Johnson Bada ang kampeonato sa …

Japan namayani sa NTT Asia Triathlon Cup sa Subic

Japan namayani sa NTT Asia Triathlon Cup sa Subic

 OLONGAPO CITY, Zambales – Namayani ang mga atletang Hapones sa elite division ng 2025 Subic …

PSAA Philippine Schools Athletics Association aarangkada na

Philippine Schools Athletics Association aarangkada na

KABUUANG 10 koponan sa pangunguna ng Philippine Christian University -Manila ang sasalang sa opisyal na …

LA Cañizares Tao Yee Tan Padel Pilipinas

Padel Pilipinas, Kampeon sa Pro Mix ng APPT Kuala Lumpur Open

NAGPAMALAS ng husay ang ating mga atleta matapos masungkit nina LA Cañizares at Tao Yee …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *