Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Hurricane Ridge hugandong nanalo

Malayo ang nagawang panalo ng kabayong si Love Hate sakay ng apprentice rider Jeric Pastoral upang masungkit ang unang takbuhan nung isang gabi sa pista ng San Lazaro. Hiningan na lamang ni Jeric ang kanyang dala pagsapit sa medya milya at pagkaagaw ng unahan kay Katniss at lumayo na ng husto hanggang sa makarating sa meta.

Sa kasunod na takbuhan ay banderang tapos ang kabayong si Pronto na nirendahan ni Unoh Hernandez, mabuti na lamang at maikli ang distansiya at medyo naantala pa ni Xen Young ang rumemateng malakas sa labas na si Leave It To Me na nakuha pang sumegunda sa laban.

Sa ikatlong karera ay nakabulaga ang napupuntong si Robert’s Magic dahil sa ganda ng diskarteng nagawa sa kanya ni apprentice Ramon Raquel Jr., mahusay talaga ang bagong mananakay na iyan. Sumegunda sa laban ang nabukahan lang sa huling kurbada na si Chiefkeepsossa, habang tumersera ang galing din sa likuran na si Leonor.

Isang mahusay na pagdadala ang  nagawa ni Jeric Pastoral sa kabayong si Okatokat, na halos bitbitin na habang lumiliko sa mula sa tres oktabos hanggang sa huling diretshan ay walang humpay pa rin ang paggalaw ni Jeric.

Sa umpisa ng Pick-4 event ay hindi binigo ng outstanding favorite na si Smart Winner ang mga sumuporta sa kanila ni Mhel Perucho Nahilat, lalo na iyong mga klasmeyts natin na suminggel sa kanila. Sina Ultimate Paris, Camry at Dramatis Personae ay nakitaan na lumaban, habang sina Brother Song at Flying Gee ay tila mga nag-ensayo lang.

Salamat aniya ng ilang mga beteranong BK’s sa OTB na aking napanooran dahil sa naging totoo ang pagpatakbo sa kabayong si This Time na dinala ni Mark Gonzales, laking tuwa kasi nila nung makitang kumuha agad ng bandera dahil mas mainam daw kasi ang nasabing kabayo na siya ang magdikta ng harapan.

Nakadehado naman si Ginoong Rafael Yabut sa kanyang alaga na si C Alisha na dinala ni Wilden L. Delfin at halos bumibitbit rin ng kabayo ang bagong hinete na iyan. Bale naungusan nina C Alisha ang kabayong si Give It All pagdating sa meta. Mahusay din manakay si J.P. Decinilla na nagdala kay Give It All.

Sa huling karera ay hugandong nanalo ulit ang kabayong si Hurricane Ridge na sinakyan ng ni M.B. Pilapil at naorasan ng 1:34.8 (18-24’-26-26) para sa distansiyang 1,500 meters na marami pang maibubuga pagdating sa linya. Tanging si Apple Du Zap ni Mark Alvarez lang ang nakitaan kong buong sumubok na humabol sa kanya.

REKTA’s GUIDE :

Race-1 : (3) Tan Goal, (4) Hailey’s Rainbow.

Race-2 : (5) Mainscore Sunspots/Billy The Kid, (8) Blue Eagle, (1) Swerteng Lohrke.

Race-3 : (1) Conqueror, (6) Bell The Cat.

Race-4 : (3) Aison Me, (2) Statuesque, (1) Maybe This Time.

Race-5 : (2) Wannabe, (4) Wo Wo Duck.

Race-6 : (6) Aerial, (5) Bullet Grey.

Race-7 : (2) Magalang, (1) Run Atop, (5) Birthday Gift.

Race-8 : (7) Purple Ribbon, (6) Kukurukuku Paloma, (4) Silver Champ.

REKTA – Fred Magno

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Fred Magno

Check Also

Aleah Finnegan SEAG

Finnegan nasungkit ang pangalawang ginto sa SEA Games

BANGKOK — Muling pinatunayan ni Paris Olympian Aleah Finnegan na siya ang pinakamakinang na bituin …

Justin Kobe Macario SEAG

Macario, unang gintong panalo ng PH sa Thailand SEA Games

BANGKOK – Inihatid ni Justin Kobe Macario ang unang ginto para sa Pilipinas sa Southeast …

PH Womens Ice Hockey SEAG

PH Women’s Ice Hockey, Optimistiko sa SEA Games Gold Kahit Talo sa Thailand

BANGKOK — Naniniwala ang Philippine women’s ice hockey team na mayroon pa rin silang tsansa …

Godwin Langbayan Rajae Dwight Del Rosario SEAG

Godwin Langbayan, Nag-uwi ng Bronze sa Jiu-Jitsu Fighting Class ng SEA Games

BANGKOK — Tinalo ni Godwin Langbayan si Rajae Dwight Del Rosario, 21-16, sa isang all-Filipino …

PH taekwondo jins Poomsae SEAG

PH taekwondo jins, nasungkit ang silver sa men’s Poomsae team sa SEA Games

BANGKOK – Nakakuha ng unang silver medal para sa bansa ang mga Filipino taekwondo jins …