Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Big star treatment kay aktres, hinahanap-hanap

MASAKIT pakinggan ang mga usapan mula sa isang network tungkol sa isangaktres na umano ay talagang naghahanap pa ng big star treatment hanggang ngayon. Nakasanayan kasi niya na siya ang reyna. Nangyari naman iyon noong araw. Kaya hinahanap niya ang dating treatment sa kanya na hindi na yata niya nakukuha ngayon.

Noon, ang dressing room na assigned sa kanya, hindi nagagamit ng iba kahit na weekly lamang ang kanyang show, dahil may iniiwan na siyang mga gamit at damit doon. Dati may sarili siyang make-up artist, wardrobe assistant at lahat na. Ngayon ay wala na iyon.

“Ina-accomodate na lang naman siya ngayon,” sabi raw ng isang staff. Masakit pakinggan iyon pero siguro nga kung minsan kailangan nating tanggapin ang katotohanan. Dito sa showbusiness, iba talaga ang tingin sa mga big star at sa hindi. Sa aminin man natin o hindi, hindi naman nananatili ang pagiging big star ng kahit na sino. Talaga din namang bumabagsak din sila.

Laging may bagong stars. Laging may bagong sumisikat. Natural kung sino ang mas sikat, sila naman ang susuyuin ng mga producer at mga network. Iyong mga bumaba na ang popularidad, medyo naiiba na rin pati ang accommodations nila.

( Ed de Leon )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …