Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagpapapayat ni Sharon, inaabangan

MUKHANG wala nang inaabangan ang mga tao kundi ang pagpapapayat ni Sharon Cuneta. Lagi na lang may nakabantay kung ilan na ang nawala sa kanyang timbang. Iyong huli naming narinig ay nakapagbawas na raw siya ng 46 lbs. sa kanyang body weight.

Wala rin kaming naririnig lately kundi iyong sinasabing hindi sila nagkamali nang si Sharon ang kuning “replacement” ni Sarah Geronimo. In the first place may replacement ba? Panibagong season na ng show, hindi na rin puwede si Sarah na may ibang plano na para sa kanyang career. Gusto niyang makapag-concentrate siya bilang isang artist kaysa maging coach ng mga magiging artist.

Bagong season, bagong casting. Kaya siguro hindi naman tama na sabihing si Sharon ay replacement lang ni Sarah. Nagkataon nga lang siguro na ang dalawang dating kasama ni Sarah na sina Bambooat Lea Salonga ay hindi napalitan.

Mukhang hindi rin napapansin ang mga magagandang sinasabi ni Sharon tungkol sa mga contestant nila. Mas napansin pa nga at nabalita nang umikot nang todo ang kanyang upuan.

There seems to be something wrong kung paano iniha-handle iyang mga ganyang bagay para kay Sharon. Sabi nga namin, siguro kung nabubuhay pa si Mina Aragon, nanggagalaiti na naman iyon dahil sa mga ganyang nangyayari kay Sharon. Para kasi kay Boss Mina noon, si Sharon ay mahalaga pa sa ginto. Si Sharon ay parang anak niyang ipinaglalaban at kung may mali, galit talaga si Boss Mina.

But that is a thing of the past. Wala na rin naman kasi si Boss Mina. May iba na rin namang handlers si Sharon, at iyang mga manager may iba’t ibang kapasidad. Siguro at that time, may upper hand si Boss Mina dahil producer siya ng isang pinakamalaking kompanya ng pelikula.

Noong panahong iyon din naman, ang pelikula ang may mas matimbang na sukatan para sa isang artista. Ngayon hindi na halos pinapansin ang pelikula kaya ang pinag-uusapan puro TV shows, at may upper hand ngayon ang mga television networks.

Pero sana, ang mapag-usapan naman ay iyong mga positibong ginagawa ng megastar. Iyong paghahanda niya sa mga gagawin pa sa kanyang career. Hindi iyang puro katabaan ang pinag-uusapan.

HATAWAN – Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Andrei Yllana Aiko Melendez Onemig Bondoc

Andrei suportado relasyong Aiko at Onemig

MATABILni John Fontanilla ALAM ng teen actor na si Andrei Yllana ang kumakalat na issue sa kanyang …

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …