Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jaclyn, ‘di man lang sinalubong at ipinagbunyi

053016 JACLYN Jose cannes
DUMATING ang aktres na si Jaclyn Jose sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na nagwaging best actress sa katatapos na 2016 Cannes Film Festival sa kanyang pelikulang Ma Rosa. Kasama niya si director Brillante Mendoza at anak na si Andi Eigenmann. Ayon sa aktres ang nakamit niyang karangalan ay inihahandog at ibinabahagi niya sa lahat ng Filipino. Si Jaclyn din ang unang Asian na nakasungkit ng nasabing award sa Cannes. (JSY)

MARAMI ang nadesmaya na wala man lamang malaking pagsalubong na isinagawa para sa Pilipinang nagkamit ng Best Actress trophy sa katatapos naCannes Film Festival na si Jaclyn Jose.

Wala ring malaking taong sumalubong from movie industry sa kanya. Kaya may mga nagtatanong, hindi ba raw dapat sinalubong si Jaclyn ng mga taga-GMA dahil may serye silang ipalalabas ng aktres?

Dapat din daw sinalubong ng taga-MTRCB si Jaclyn. Eh kaso, walang namataan isa man sa kanila. Mabuti pa nga ang mga Hermano Mayores sa isang kapistahan sa probinsiya na kapag may bisitang artista nakabalandra ang mga tarp at mga sasalubong na motorcade.

Nakahihinayang kasing hindi man lang nabigyan pansin ang isang malaking event na karangalang uwi ng aktres.

Mabuti pa nga ‘yung ibang beki na nanalo lang sa pakontest ng anik-anik na award eh, grabeng bongga ang pagsalubong.

SHOWBIG – Vir Gozales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Vir Gonzales

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …