Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Maja ‘di nag-forever sa Megasoft

A month ago na noong mag-post ako sa social media account ko na hindi na nag-renew ng panibagong kontrata si Maja Salvador sa Megasoftbilang Sisters Sanitary Napkin endorser.

During her reign bilang endorser( O, ‘di ba,parang beauty queen) ay napakaraming nangyari. May malungkot at masaya. Nakita namin kung paano sinuportahan ni Maja ang kanyang ineendosong napkin mula sa ratsadang mall tours at shows nationwide na kasama po ako.

Personally, ang alam ko ay isa pa nga ako sa nagsabi noon sa kanya na mag-renew siya hanggang sa mabalitaan kong ayaw na ng sikat na aktres mag-renew at makatrabaho ang Megasoft.

May nakakuwentuhan ako at nalaman ko ang ilan lamang sa mga dahilan kung bakit biglang nagbago ang isip ni Maja at hindi ko po ito puwedeng sabihin in print. Ako po, personal din po akong may tampo sa Megasoft. Lalong-lalo na sa tumatayong female owner nito na hindi ko na lang din po babanggitin ang pangalan at baka sumikat pa. Kasi po, noong kinuha nila akong publicist, kinausap po nila ako ng personal at nagkatawaran sa monthly retainer to the lowest level na para sa akin ay okey lang dahil ang itinatak ko sa isip ko ay ang salitang binitiwan sa akin ng female owner nitong “forever” akong magiging publicist dahil kaibigan siya ng kaibigan kong nagpakilala sa akin sa kanya.

May isang salita kasi ako. Hanggang sa two months ago ay nakatanggap na lang ako ng text message from the female owner na hindi niya na kailangan ang serbisyo ko at hanggang month of May na lang daw ako kasabay ng pagtatapos ng kontrata ni Maja. At first, nabigla ako. Masamang-masama ang loob ko at ipinaramdam ko ‘yun sa text message na ipinadala ko sa female owner nito at never po siyang nag textback.

Ganyan naman kapag nagkakagulo na, kung ano-ano po ang sinabi nitong female owner sa akin thru text message na natanggap ko mula sa kanyang isang empleado. Gusto ko lang pong sabihin sa inyo female owner na never po akong naging mapagsamantala sa inyo. Never din po akong humingi ng kung ano-ano. Kung minsan ay humihingi po akong pabor sa inyo pero in return ay pinagtatrabahuan ko po. Lahat po ng nakuha ko sa inyo ay pinagtrabahuan ko at sumusunod lamang din po ako sa sinasabi ninyong company rule.

Tanong ko lang po, bakit po noong humihingi na ako ng kontrata sa inyo ay bigla po kayong nagdesisyong i-terminate ako? Takot po ba kayo sa kontrata? ‘Di po ba kayo na ang nagsabi sa akin na dapat sundin ang company rule? Bakit kontrata lang na hinihingi ko ay ayaw ninyong maibigay sa akin noon? ‘Yun pala iba na ang plano ninyo sa akin?

Nasaan na ang pangako mo Madame na Forever?

As of presstime ay okey na po ako. Wala na po akong sama ng loob sa kanila and okey lang ‘yun, tulad nga ng lagi kong sinasabi na stay happy and blessed!

REALITY BITES – Dominic Rea

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Dominic Rea

Check Also

Andrei Yllana Aiko Melendez Onemig Bondoc

Andrei suportado relasyong Aiko at Onemig

MATABILni John Fontanilla ALAM ng teen actor na si Andrei Yllana ang kumakalat na issue sa kanyang …

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …